#TJxKZFinally: OPM artists KZ Tandingan at TJ Monterde, engaged na

  • Engaged na ang magkasintahang OPM artists na sina KZ Tandingan at TJ Monterde
  • Sa pamamagitan ng dalawang Instagram posts, ibinahagi ni Monterde ang magandang balita tungkol sa kanila ng kanyang pinakamamahal
  • Gamit ang hashtag na #TJxKZFinally, ipinagdiwang ng mga kaibigan at fans ng dalawa ang engagement nila

Nakatakda nang ikasal ang magkasintahang OPM artists na sina KZ Tandingan at TJ Monterde.

Image capture from Instagram

Sa pamamagitan ng dalawang Instagram posts, ibinahagi ni Monterde ang magandang balita tungkol sa kanila.

“THIRTY ON THIRTY! Thank You, God, for every breath You’ve given me. Thank You, God, for the balance and harmony. Thank You, God, for the moon, the stars, and the sea,” saad niya sa caption ng una niyang Instagram post na naglalaman ng mga litrato niya. Sinundan ito ng post kung saan niya ibinahagi ang tungkol sa engagement nila.

“And thank you, God, for my wife to be,” wika naman niya sa kasunod na post, kalakip ang engagement photo nila.

Gamit ang #TJxKZFinally, ipinagdiwang ng mga kaibigan at fans ng dalawa ang simula ng “road to forever” nila. Isa sa mga ito ang malapit na kaibigan at kapwa mang-aawit ni KZ na si Moira Dela Torre.

“Aaaah, so happy for you roommate! Swipe left to see that one night in Italy when we realized we were both in pink pajamas facetiming with @tjmusicmonterde and @jasonmarvinph who were also in the same outfits: black shirts and black glasses. It was also one of the nights we talked about marriage and a month and a half later, here you are, engaged and me, celebrating with you from thousands of miles away, still in my pink pajamas,” aniya.

“God is so good,” she added. “Being married to your best friend is the absolute best thing in the world.”

Image via TJ Monterde | Instagram

Alamin kung paano nagsimula ang love story ng dating magkaibigan lamang na sina KZ at TJ:


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: