Timeless friendship, timeless beauty: Pagkakaibigan nina Ruffa at Donita, pinuri sa social media

  • Pinuri ng social media users ang pagkakaibigan ng mga aktres na sina Ruffa Gutierrez at Donita Rose
  • Sa Instagram, ibinahagi ng actress-beauty queen ang mga larawan nila ng kapwa artista na kamakailan lamang ay nagdiwang ng kaarawan
  • Saad ng netizens, hindi na nga kumukupas ang pagkakaibigan, hindi pa kumukupas ang angkin nilang kagandahan

Ikinatuwa ng netizens ang mga lumang litrato ng mga aktres na sina Ruffa Gutierrez at Donita Rose.

Image capture from Instagram

Sa Instagram, ibinahagi ng actress-beauty queen ang mga larawan nila ng kapwa artista na kamakailan lamang ay nagdiwang ng kaarawan.

“Many people come and go in our lives–except for the special ones, the ones we have an unbreakable bond with. Our best friends that stay with us through the good, the bad, and the ugly,” saad ni Ruffa sa caption ng mga litratong kanyang ibinahagi sa photo sharing app.

“Cheers to more laughter, travels, and adventures together! Love you, girllll!” dagdag pa ng aktres, kalakip ng hashtags na #UNBREAKABLE at #FriendsForever. Ibinahagi niya rin na ang iba sa mga larawang ito ay kuha 25 taon na ang nakararaan.

Pinuri ng social media users ang dalawang aktres. Anila, mapalad ang dalawa na mabiyayaan ng hindi kumukupas na pagkakaibigan at hindi kumukupas na kagandahan.

“It seems like 25 hours ago lang ang pictures. Hindi tumatanda. Ang gaganda at babata pa rin tingnan,” saad ng Instagram user na si @lucybeth_lualhati.

Image via @iloveruffag | Instagram

“Mga That’s Entertainment babies na hinahangaan ko. Walang kupas kayo, mga gwapa pa rin,” ani @vil_maful.

“One of the most genuine friendships in the entertainment world! Indeed, unbreakable through the years!” wika ni @samjie2715.

Sabi naman ng ilang “young once”, parang kailan lang noong ang mga mukhang ito ang nasa pabalat ng kuwaderno nila sa paaralan.

Timeless friendship, timeless beauty — talaga nga namang pang-#friendshipgoals ang tandem nina Ruffa at Donita!


Loading...
Source :

Instagram

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: