
- Sa nalalapit na Ms. Universe pageant competition, maraming mga Pinoy ang nag-aabang at sumusuporta sa pambato natin na si Gazini Ganados
- Sa lumabas na bagong litrato ni Gazini habang suot ang ‘watawat’ earrings, maraming Pinoy ang nabighani dito at nagpaabot ng suporta sa beauty queen
- Ayon sa designer ng hikaw, ang watawat umano ay sumisimbolo ng kapayapaan, pagkakaisa, at Filipino pride

Sa gaganapin na Ms. Universe 2019 pageant nitong Disyembre, halos buong bansa ay nasasabik nang makita ang pambato ng bansa na si Gazini Ganados.
Si Gazini ang kinoronahang Miss Universe Philippines noong nakaraang Hunyo at ang kakatawan sa Pilipinas kapalit ng kinoronahang Miss Universe 2018 na si Catriona Gray.
Mainit para sa atin ang kompetisyon ng Miss Universe ngayong taon dahil sa kagustuhan ng ating bansa na masungkit ang back-to-back na pagkapanalo.
Sa pagkapanalo noon ni Gazini sa Binibining Pilipinas ay marami ang mga natuwa at pumuna, ngunit sa nalalapit na Ms. Universe pageant ay matinding suporta naman ang ibinibigay ng mga Pinoy upang makuha ulit ng ating bansa ang korona.
Bukod sa paghahanda sa pageant, kasama rin sa adbokasiya ni Gazini bilang Miss Universe PH ang pagsuporta at pagsulong sa ating mayamang kultura.

Sa katunayan, sa isang Instagram post ng Pinoy designer na si Kathryn Fanlo, ipinakita na suot ni Gazini ang flag-inspired na hikaw na talaga nga namang bumighani sa maraming netizen.
Nilagyan ito ni Fanlo ng caption na: Wearing our flag with pride. Thank you (Gazini) for helping promote local talent and showing the rest of the world our rich culture.
Ayon pa kay Fanlo, ang hikaw umanong ito na hango sa watawat ng Pilipinas ay sumisimbolo ng kapayapaan, pagkakaisa ng mga Pinoy, at Filipino pride. Ito rin ang pinangangatawan ni Gazini sa kaniyang pagsabak sa nalalapit na Miss U pageant.
Makikitang puro gawa ng local designers ang mga suot ni Gazini sa nasabing kompetisyon, simula pa noong pre-pageant activities. Katulad rin ito ng “Three Star and the Sun” ear cuff na suot ni Ms. Universe 2018 Catriona Gray. Maging sign din kaya ito na si Gazini na ang susunod na hihiranging Miss Universe?

Inuudyok din ni Fanlo ang mga Pinoy fans na iboto si Gazini sa Miss Universe online voting. Maaari na ngang iboto si Gazini sa Miss Universe website, mahalaga ang online voting dahil kung sino man ang may pinakamaraming boto ay garantisado nang pasok sa top 20.