Slinky: Ang rainbow magic spring na naghatid ng tuwa sa mga batang 90s

Image capture from Facebook
  • Isa sa mga nausong laruan noon sa mga batang 90s ay ang slinky o mas kilala sa tawag na rainbow magic spring
  • Maging matagumpay man o pumalya ang pagpapakitang-gilas nila gamit ito, masaya pa rin ang mga paslit na naglalaro; kahit pa magkabuhol-buhol ito
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng social media users ang mga panahon ng paglalaro nila ng slinky o rainbow magic spring

Nawili ka rin ba noon sa paglalaro ng slinky o mas kilala sa tawag na rainbow magic spring?

Image capture from Facebook

Isa sa mga nausong laruan noon sa mga batang 90s ay ang slinky. Maging matagumpay man o pumalya ang pagpapakitang-gilas nila gamit ito, masaya pa rin ang mga paslit na naglalaro nito kahit pa umabot sa puntong magkabuhol-buhol ito.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng social media users ang mga panahon ng paglalaro nila ng slinky o rainbow magic spring.

“Oo naman! Ang sarap n’yang paglaruan; nakakaalis ng stress, nakakapangrelaks. Gaganahan ka talaga maglaro kahit mag-isa ka lang. Babaliktarin sa hagdan mula taas hanggang baba, ‘yan ang magic spring,” pagbabahagi ng Facebook user na si Evelyn De Nicolas Grapa.

“Oo naman. Iyan ang ipinang-surprise ng tatay namin noong mga bata pa kami. Akala ko noon candy,” ani Ghika Querubin.

Image capture from Facebook

“Mayroon ako niyan kaso hindi ko alam gamitin noong bata ako. Huli na noong nalaman ko. E ‘di sana ang galing ko sa ganiyan,” kumento ni Jason Galang.

Sa kasalukuyan, bagama’t hindi na ito ganoon kapopular, ay maaari pa ring makabili ng laruang ito.

Ikaw, naglalaro ka rin ba noon ng slinky o rainbow magic spring? Ano ang hindi mo makalilimutang alaala sa laruang ito? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section!