Project Malasakit ni Kara David, gagawing scholar ang mga naiwang anak ni Cesar Apolinario

Imahe mula Facebook
  • Inihayag ng journalist na si Kara David na tutulungan niya ang mga naiwang anak ng namayapang kapuwa journalist na si Cesar Apolinario
  • Ang proyektong pinangungunahan ni Kara na Project Malasakit ang magtutuloy na susuporta at gagawing scholars ang mga anak ni Cesar
  • Ayon kay Kara, si Cesar ang isa sa pinakamapagbigay na taong kilala niya, kaya naman nais niyang ipagpatuloy ang mga pangarap ni Cesar para sa tatlo niyang anak
Imahe mula sa GMA via Facebook

Nitong nagdaang lingo, nagulat ang buong Pilipinas nang mapabalitang yumao na ang journalist at kilalang reporter na si Cesar Apolinario dahil sa isang malubhang karamdaman.

Sa edad na 46, naiwan ni Cesar ang kaniyang asawang si Joy, at tatlo nilang anak na sina Remus Cesar, Athena Joyce, at Sophia Ysabelle.

Dahil si Cesar ang nagmistulang tagapagtaguyod o breadwinner ng kaniyang pamilya, nais ng kapuwa niya journalist at senior reporter sa GMA na si Kara David na ipagpatuloy ang naiwang mga pangarap ni Cesar para sa kaniyang pamilya.

Sa kaniyang Facebook account, inihayag ni Kara na ang naiwang tatlong anak ni Cesar ay gagawing scholars ng Project Malasakit, ang proyektong pinangungunahan ng GMA senior reporter.

Mga anak ni Cesar Apolinario (Imahe mula kay Kara David via Facebook)

Si Cesar ang breadwinner ng kanyang pamilya. Lumaki sya sa hirap, naging OFW, nagsikap hanggang maging reporter. Inilaan niya ang kanyang buong buhay sa pagtataguyod sa kanyang mga anak at pagtulong sa kanyang kapuwa,” ani Kara sa kaniyang FB post.

Kaya naman sa pagkawala umano ni Cesar ay hindi matatapos ang mga pangarap para sa talong anak na mga honor students. Ipagpapatuloy umano ng Project Malasakit ang mga pangarap ng yumaong reporter para sa kaniyang mga anak.

Project Malasakit is taking in Cesar’s kids as scholars. Remuscesar Apolinario is an incoming senior high school student in STI Marikina. Athena Joyce Apolinario is in Grade 9 at Eastern Star Academy. Sofia Mendoza Apolinario is graduating from Grade 6,” dagdag pa ni Kara sa kaniyang post.

Bukas din para tumulong ang ibang tao na magbigay donasyon para sa educational fund ng mga anak ni Cesar sa pamamagitan ng pagkontak sa Project Malasakit.

Imahe mula sa Facebook ni Cesar Apolinario

Kung gusto mong humaba ang buhay ng isang bagay… ibigay mo ito sa iba. Ang taong marunong magbigay ay hindi namam*tay. Patuloy siyang nabubuhay sa mga taong kanyang tinulungan,” paghahayag pa ni Kara sa kaniyang post.

Ang Project Malasakit ay itinatag ni Kara noong 2009 upang magbigay scholarship sa mga batang Pinoy na nangangailangan.

Sa mga nais tumulong, bisitahin ang post na ito ni Kara upang malaman ang mga detalye.