
- Isa ang sip
asa mga larong nakahiligan ng napakaraming batang Pinoy noon - Babae man o lalaki ay napahilig sa paglalaro nito; sa labas ng bahay man o sa bakanteng oras at uwian sa paaralan
- Sa Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang panahon na masaya na sila sa simpleng paglalaro lamang ng sip
a
Naglalaro ka rin ba noon ng sipa?

Madali nang gawin, masaya pang laruin — kaya naman isa ang sipa sa mga larong nakahiligan ng napakaraming batang Pinoy noon. Babae man o lalaki ay nahilig sa paglalaro nito; sa labas ng bahay man o sa bakanteng oras at uwian sa paaralan. Sa Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang panahon na masaya na sila sa simpleng paglalaro lamang ng sipa.
“This is one of the simplest games we used to play during my childhood but it makes us the happiest kids ever. No gadgets, no spending of money on material stuff, but total happiness,” kumento ng netizen na si Tj Raean R. Basan.
“Magaling ako riyan. ‘Takyan’ ang tawag niyan dito sa Davao. ‘Yong pang-10 talaga na tira mapapa-stretch talaga ang taya para mahabol lang ‘yan pang-finale,” pagbabahagi ni EB Jahjah GE.
“Gamit namin 10 cents na ibinalot sa balat ng kendi, nilagyan ng balahibo ng manok na tandang tapos tinalian ng goma. Sarap laruin, ‘di masakit sa paa!” wika ni Edgar Balajadia.
“Ehem! Batikan ako riyan. Even now, mahusay pa rin ako mag-black magic. May sipa kasi ako sa bahay kaya nakakapag-practice pa,” sabi naman ni Marvin Rhamad Darole.

May mga nakaisip din na gawan ang kanilang mga anak para may matutunan naman daw ito sa mga nilalaro nila noon. Bakit nga ba hindi e madali lang naman gawin ito?