Nostalgia: Mga alaalang dala ng old school cellphone na gawa ng Nokia

Image capture from iProhelp's video | YouTube
  • Noong bago pa lamang nauuso ang cellphone, masaya na ang mga tao –lalo na ang mga kabataan– sa pagkakaroon ng Nokia 5110 na maituturing na modernong gadget noon
  • Sa Facebook group na Memories of Old Manila, ibinahagi ng isa sa mga miyembro ang larawan ng mga old school  na Nokia 5110 phones
  • Dito ay nagbalik-tanaw ang netizens sa panahon kung kailan sila nagkaroon ng cellphone sa unang pagkakataon

Natatandaan mo pa ba ang una mong cellphone? Isa ka rin ba sa mga nagsimula sa paggamit ng Nokia 5110?

Image capture from Facebook

Noong bago pa lamang nauuso ang cellphone, masaya na ang mga tao — lalo na ang mga kabataan — sa pagkakaroon ng Nokia 5110; na noong panahon nito ay maituturing nang modernong gadget. Bagama’t malayo sa mga klase ng smartphone na mayroon tayo ngayon, hindi maikakaila kung gaano kalaki ang naitulong nito sa pagpapaganda ng uri ng komunikasyon na mayroon noon.

Sa Facebook group na Memories of Old Manila, ibinahagi ng isa sa mga miyembro ang larawan ng mga old school  na Nokia 5110 phones.

Saad ng text na nasa larawan, “Ano reaction n’yo noong first time n’yong magka-cellphone?” Dito ay nagbalik-tanaw ang netizens sa panahon kung kailan sila nagkaroon ng cellphone sa unang pagkakataon.

“Excited and proud dahil ‘yon lang naman talaga mga phone noon, e. Matutuwa ka na kapag nagkaroon ka niyan, lalo na at first time,” tugon ng isa sa mga miyembro na si Ngeb Azrim.

“Haha! Random text at tawag ang ginagawa ko, tapos kahit mahal ang load e hindi ako nauubusan,” ani Em Bee.

“Very excited to make my first wireless call,” wika ni Rudy Pangan.

“Masaya kasi puwede ka na makapag-text or call sa CP. Unlike kasi dati sa pager, easy call, at two-way radio pa ang gamit sa pang-communicate,” pagbabahagi ni Justin Benito.

Image capture from Facebook

Naitabi mo pa ba ang lumang Nokia 5510 mo?