
- Nauso noong dekada 90 ang mababangong pambura na iwinangis sa imahe ng mga prutas katulad ng watermelon, orange, at pineapple
- Gustong-gusto ito ng mga bata noon dahil sa amoy nito at magandang hitsura, at sa katunayan ay ayaw pa nga itong gamitin ng iba at ginagawang koleksyon sa pencil case nila
- Sa isang Facebook post, binalikan ng marami ang mga alaalang dala ng mababangong pambura
Natatandaan mo pa ba ang mababangong pambura mo noong nasa elementarya ka?

Nauso noong dekada 90 ang mababangong pambura na iwinangis sa imahe ng mga prutas katulad ng watermelon, orange, at pineapple.
Gustong-gusto ito ng mga bata noon dahil sa amoy nito at magandang hitsura — sa katunayan, ayaw pa nga itong gamitin ng iba at ginagawang koleksyon sa pencil case nila. At kahit pa kadalasan ay kumpleto ito sa lalagyan ng mga gamit sa eskwela, may kanya-kanya pa ring paborito sa mga pamburang ito ang mga mag-aaral.
Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng maraming social media users ang mga alaalang dala ng mababangong pamburang ito.
“Love ko talaga ang amoy niyan. Kahit pambura ‘yan, never ko ‘yang ginamit kasi ayaw kong madumihan hahaha!” pagbabahagi ng Facebook user na si Mechelle Lontayao.
“Ang mga pambura na may amoy na ubod ng bango na nakakagigil at ang sarap kagatin! Dahil ang sarap ng amoy, nakakapanghinayang gamitin at baka mapudpod! Haha!” kumento ni Wengski Caparas.
“Yes, ayaw mo gamitin para hindi mapudpod agad,” pagsang-ayon ni Esguerra Daleon Glenda. “Kasi mas gusto mo pa amuyin na lang. Kaya nagtitiis ka na kagatin un pambura mo sa maliit na lapis.”

Sabi naman ng iba, noon pa lamang nakita nila ang litrato ng mga pambura ay para bang naamoy na rin nila ito kaagad.
Ikaw, anong naaalala mo sa mga ito?