Nostalgia: Cup na lagayan ng soup sa paaralan, ibinalik ang maraming alaala

Image via Batang Pinoy - Ngayon at Noon. | Facebook
  • Maraming alaalang dala ang cup na pinaglalagayan ng soup noon sa mga paaralan
  • Upang hindi na kailanganin pang lumabas ng mga bata, mismong ang mga tray ng juice, soup, at mga pagkaing mula sa kantina ang “pumupunta” sa kanila
  • Sa Facebook, ibinahagi ng page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, ang mga sandaling nahihilig pa silang bumili mula sa mga tray na ito

Natatandaan mo pa ba ang mga soup na ibinebenta sa paaralan?

Image capture from Facebook

Upang hindi na kailanganin pang lumabas ng mga bata, mismong ang mga tray ng juice, soup, at mga pagkaing mula sa kantina ang “pumupunta” sa kanila. Kaya naman, kapag tinanong ka ng mga nakatatanda kung ano ang laman ng cup na lalagyan ng soup sa paaralan, maiisip mo kaagad ang sopas, lugaw, tsamporado, at iba pa.

Ngunit higid pa sa laman nito, puno rin ng alaala ng kahapon ang cup na pinaglalagayan ng soup noon sa mga paaralan. Sa Facebook, ibinahagi ng page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, ang mga sandaling nahihilig pa silang bumili mula sa mga tray na ito.

“Lalagyan ng champorado…lugaw pa noon, Lugaw kasi arroz caldong purong luya ang manok,” pag-aalaala ng Facebook user na si Halley Nichole.

“Noong kami ay elementary students ay sasabihan ka na lamang sa tuwing kukuhanin na ang sopas sa canteen,” wika ni Bhoz Mike.

Image capture from Facebook

Naalala rin ng ibang social media users ang masasayang sandali at kulitan ng magkakaklase sa tuwing kukuha na ng mga tray na ito sa canteen.

Ikaw, may nakatutuwa o nakakatawang alaala rin ba na ibinabalik sa iyo ang klasik na lagayang ito ng soup? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section.