
- Hindi basta makalilimutan ang disenyo ng old school packaging ng Jack ‘n Jill Pretzel
- Sa Facebook group na Memories of Old Manila, binalikan ng marami ang panahong tila hindi kumpleto ang recess nila kapag wala ang chocolate snack na ito
- Gayunman, bagama’t ibang-iba rito ang disenyong ng bagong packaging, tiniyak ng Jack ‘n Jill na ang lasa ng nasa loob nito ay ang parehong lasa na minahal ng napakaraming bata noon
Katulad ng lasa nito, tumatak din sa marami ang disenyo ng old school packaging ng Jack ‘n Jill Pretzel.

Sa Facebook group na Memories of Old Manila, binalikan ng maraming miyembro ang panahon kung kailan tila hindi kumpleto ang recess ng maraming elementary students kapag wala ang chocolate snack na ito.
“Favorite! Kailangan may baong Pretzels, lalo na ‘pag field trips,” kumento ni Venus Custodio.
“‘Pag sahod ni Papa, ito ang baon ko plus Chuckie. ‘Pag wala pang sahod, Zest-o muna plus Lemon Square Cheesecake! Hahaha,” pagbabalik-tanaw ni Kevin Guillermo.
“‘Yan talaga ang gusto ko noon,” wika ni Karen Diego. “Ginugupit ko pa iyong likod para may laruan ako.”
Kuwento naman ni Daniel Señeres, “Noong panahon ko, big time ka sa mga kalaro mo ‘pag meron ka nito.”
At dahil sobrang popular at madalas tawaging “pang-mayaman”, maging sa exchange gifts daw ay ibinibigay ito bilang regalo–bagay na naghahatid naman ng tuwa sa makatatanggap. Hay, simple lamang talaga noon ang lahat!

Gayunman, bagama’t ibang-iba rito ang disenyong nakalagay sa bagong packaging, tiniyak ng Jack ‘n Jill na ang lasa ng nasa loob nito ay ang parehong lasa na minahal ng napakaraming bata noon.
“This yummy treat offers the same choco goodness for fun snacking experience that both parents and kids can enjoy together,” saad sa website ng Universal Robina Corporation.
Ikaw, nami-miss mo rin ba ang lumang packaging o mas gusto mo ang bago nitong disenyo?