
- Para sa kaniyang final walk bilang Miss Universe, suot ni Catriona Gray ang gown na ginawa ng isang kilalang Pinoy designer at hinango ang disenyo sa alon
- Sa kaniyang farewell speech, binanggit ni Catriona ang ‘women empowerment’ na may kakayahang magdulot ng maganda sa henerasyon ngayon
- Ipinasa ni Catriona ang Miss Universe crown sa pambato ng South Africa na si Zozibini Tunzi
Dumating na naman ang araw kung saan marami ang nag-half day sa kanilang mga trabaho, natulog nang maaga para magising rin nang maaga at mabuksan agad ang telebisyon, nakatutok sa social media, at buong puso ang suporta para sa ating pambato.

Dumating muli kasi ang araw kung saan hihirangin ang pinakamagandang nilalang sa mundo, ang Miss Universe 2019. At ngayong taon, doble ang excitement at pag-aabang ng maraming Pinoy dahil sa kagustuhan na makuha ang back-to-back na korona.
Itinanghal na Miss Universe noong nakaraang taon ang pambato ng ating bansa na si Catriona Gray. At dahil maraming Pinoy fans ang kinasasabikan kada taon ang nasabing pageant, marami rin ang naghahangad na sana ay makuha muli natin ang korona.
Ngunit hindi pinalad ngayon ang Pilipinas sa Miss Universe dahil ang pambato na si Gazini Ganados ay pumasok lamang hanggang top 20. At nasungkit ng pambato ng South Africa na si Zozibini Tunzi ang korona.
Ngunit bukod sa pag-abang kay Gazini sa kompetisyon, marami rin ang tumutok sa final walk at farewell speech ng reigning Miss Universe na si Catriona.
Sa kaniyang huling pagrampa bilang Ms. Universe, suot ni Catriona ang gown na hinango ang disenyo sa alon. Ayon sa gumawa ng gown na si Mak Tumang, tinawag niya ang gown na ito na “REFLECTION” (Philippine Eagle mirrors itself on the SEA).

Sumisimbulo umano ang gown ng repleksyon ng Philippine eagle habang ito ay nasa himpapawid at nasa ilalim nito ang maalong dagat.
“The creation’s inspiration stems from the vision of the Philippine Eagle flying over the flawless turquoise seas embracing our archipelago. Despite its mighty ability to soar up high far beyond the clouds, it could still manage to look down until the point of reflecting itself on the shiny waters,” ani Tumang.
Habang sa kaniya namang farewell speech, binanggit ni Catriona ang ‘women empowerment’ at ang kakayahan nitong baguhin ang henerasyon ngayon.

“I’ve always believed that, as women, we have the power to redefine our generation. When we raise our voices together the words ‘women power’ become more than just a phrase, they become a movement,” ani Catriona.
“To everyone with a dream, know that your dreams are valid and on your path, you are never denied, only redirected,” dagdag pa niya.
Pinasalamatan din niya ang lahat ng sumuporta sa kaniyang Miss Universe journey: To my beloved Philippines, isang karangalan po ito. You endlessly inspire me and give me hope. Maraming salamat sa inyong lahat.
ABS CBN shared this momentous moment via YouTube: