
- Isang misteryosong tao ang namataang namimigay ng pera sa mga streetsweeper
- Sa Facebook group na MARIKINA NEWS, pinasalamatan ng isang miyembro ang taong nakasakay sa SUV na nag-aabot ng salapi sa mga nagpapanatili ng kalinisan ng lungsod
- As of posting, bagama’t walang nakaaalam kung sino ang taong ito at kung bakit siya namimigay ng pera noong araw na iyon, marami ang humahanga sa kanya
Isang misteryosong tao ang namataang namimigay ng pera sa mga streetsweeper sa Lungsod ng Marikina.

Sa Facebook group na MARIKINA NEWS, pinasalamatan ng miyembro ng grupo na si Diana Alano ang taong nakasakay sa SUV na nag-aabot ng salapi sa mga nagpapanatili ng kalinisan ng lungsod.
“Flex ko lang ‘yong nakasakay sa SUV na ito. Nasundan ko sa East Drive cor. Champaca. Noong may nakita siyang streetsweeper, tumigil siya. Akala ko nagtatanong lang pero bigla may inabot na pera. Then pagliko sa Asucena St., may isa pang streetsweeper na inabutan din. Sayang ‘di ko nakuhanan ‘yong actual na pag-abot. Kung sino ka man, may God bless you more,” pagbabahagi ni Edgar Durano Jamin. “Marikina, bayan ng may magandang ugali.”
As of posting, bagama’t walang nakaaalam kung sino ang taong ito at kung bakit siya namimigay ng pera noong araw na iyon, marami ang humahanga sa kanya dahil sa kanyang ginawa.
“God job! Kung sino ka man, sana marami pang blessings ang dumating sa iyo para marami ka pang mapasayang tao,” saad ng Facebook user na si Yen Mabini.
“Sana lahat ganiyan, marunong mag-share ng blessing na tatanggap, iyon bang binabahagi din sa kapwa. Si Lord din po ang magpapala sa inyo. God bless po,” wika ni Julie Ann Velasco Delgado.

“Good deed,” kumento naman ni Reb Quiamco. “May mga streetsweeper na naglilinis sa mga kalsada. Marapat lang na bigyan sila ng kaunti o malaking regalo sa ginagawa nilang trabaho para sa kalinisan ng bawat lugar.”