Memory lane: Mga alaalang nabuo sa paboritong meryendahan noon na Burger Machine

  • Isa ang mga paboritong meryendahan noon ang Burger Machine
  • Bukod sa pagkakaroon ng masasarap na burgers, naging popular din ang food stand na ito dahil sa pagiging komportableng tambayan ng magkakaibigan na nais makapagkuwentuhan
  • Sa Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga gunita na nabuo sa kainang ito

Nahilig ka rin ba noon na magmeryenda sa Burger Machine? Madalas ba kayo rito noon ng iyong mga kaibigan?

Image capture from Facebook

Isa sa mga paboritong meryendahan noon ang Burger Machine. Bukod kasi sa pagkakaroon ng masasarap na burgers, naging popular din ang food stand na ito dahil sa pagiging komportableng tambayan para sa magkakaibigan na nais makapagkuwentuhan habang kumakain ng masarap na snack.

Sa Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga gunita na nabuo sa kainang ito.

“The best burger stand ever!” kumento ng social media user na si Jabee Bearcub. “‘Di ako nakakalimot kumain dito, nare-reminisce ko kasi high school days ko rito. Noon, ‘di ako magre-recess para lang makaipon ng pambili ng burger ta’s kakainin ko sa loob ng jeep pauwi. At ngayong nagwo-work na sa ako sa BPO, I never forget to still buy their burger.”

“‘Yan ‘yong sikat noon. Walang tatalo sa sarap ng burger nila,” ani Maricar Rodriguez.

“When I was growing up, this was the place where the locals met for a drink or two, play dama, share news both local and international, listen to the radio when it was on and at nighttime, someone brings a guitar and lots of singing took place. The place to be especially on a moonlight night,” pagbabahagi naman ni Lolly Treasure.

Image capture from Facebook

Ikaw, may mga hindi ka rin ba makalilimutang alaala na nabuo dahil sa paboritong tambayang ito? Ibahagi ang iyong kuwento!


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: