Memory lane: Ang abot-kaya’t masarap na Sunny fruit juices

Sunny poster
  • Abot-kaya na, masarap pa, kaya hindi nakapagtatakang naging popular noon ang Sunny
  • Bukod sa ipinagbibili ito sa mababang halaga, mas tipid din daw ang juice na ito dahil maaari itong haluan ng tubig at i-serve nang hindi naisasakripisyo ang lasa nito
  • Sa Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga panahong bahagi pa ng meryenda at mga selebrasyon ang inuming ito

Ngayong panahon ng mga handaan at selebrasyon dala ng Christmas season, hindi maiiwasang balikan ng ilan ang mga pagkain at inuming kumukumpleto sa hapag-kainan nila noon.

Image capture from Facebook

Isa sa mga hindi makalilimutang inumin ng mga Pinoy ang Sunny. Abot-kaya na, masarap pa. At bukod sa ipinagbibili ito sa mababang halaga, mas tipid din daw ang juice na ito dahil maaari itong haluan ng tubig at i-serve nang hindi naisasakripisyo ang lasa nito

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng maraming social media users ang mga panahong bahagi pa ng meryenda at mga selebrasyon ang inuming ito

“Ito ‘yong dino-door-to-door dati ng mga salesman sa amin. ‘Yong mga salesman, “Misis, try n’yo po itong Sunny Orange Juice!’ Concentrated po s’ya. Masarap at masustansya. Makakailang pitsel ka sa isang bote lang,” pagbabahagi ng netizen na si Marisol Macaraeg Tamondong.

“Sunny orange and strawberry ‘yong kadalasan namin binibili ng Lola Fe ko tapos gagawin namin ice candy at palamig—this had been part of our childhood,” kumento ni Russell De Ramos Febrero.

“Sana bumalik ulit ‘yang Sunny,” hiling ni Flordeliza Morales. “Iyan ang iniinom namin noong kabataan ko pa, lagi naming hinahanap kapag kumakain kami ng tanghalian. Lalo na kapag malamig, masarap talaga.”

Sunny poster

Samantala, marami rin ang paulit-ulit na kinanta ang theme song ng promotional material ng juice brand na ito.

Balikan ang nakaka-LSS na theme song ng Sunny: