Matapos lumipat ng network, Kisses Delavin nag-guest sa Eat Bulaga

  • Pagkatapos lumipat ng network, lumabas na sa kaniyang kauna-unahang TV guesting si Kisses Delavin sa GMA
  • Napanood si Kisses sa isang segment ng noontime show na Eat Bulaga! kung saan ay nagtrending pa siya sa Twitter
  • Noong Nobyembre ay pumirma si Kisses ng kontrata sa Triple A, ang talent management arm ng APT Entertainment na producer ng Eat Bulaga!
Imahe mula kay Kisses Delavin via Instagram

Normal na sa mga artista maski mga singer, TV reporter, at host na magpalipat-lipat ng TV network kapag natatapos ang kanilang kontrata. Maaring pagkatapos ng kontrata nila ay pumirma muli sila ng panibago, ngunit ang iba naman ay lumilipat sa ibang network at dito pumipirma ng bagong kontrata.

Kalimitang nangyayari ang lipatan ng network sa pagitan ng mga personalidad ng ABS-CBN at GMA. Napapabalita rin kapag nagkakaroon ng lipatan, lalo na kung ang lilipat na personalidad ay kilalang-kilala ng publiko.

Imahe mula kay Mike Tuviera via Instagram

Nitong mga nakaraan, ang mga naging usap-usapang lipatan ay ang kina Atom Araullo na mula reporter sa ABS-CBN ay lumipat ng GMA, at ng singer na si Regine Velasquez na mula sa GMA ay lumipat sa ABS-CBN.

Kamakailan, panibagong lipatan nanaman ang nangyari sa pagitan ng nasabing malalaking networks. Ang aktres kasi na si Kisses Delavin ay umalis na sa ABS-CBN kung saan siya unang nakilala bilang housemate sa Pinoy Big Brother.

Nitong Nobyembre ay pumirma si Kisses ng bagong kontrata sa Triple A, ang talent management arm ng APT Entertainment. At para sa kaniyang pinakaunang TV guesting pagkatapos lumipat ng network, napanood si Kisses sa noontime show na Eat Bulaga, ang programang hawak ng APT Entertainment.

Imahe mula sa Eat Bulaga! via Twitter

Bago ang guesting, una nang nagbigay ng pahiwatig si Kisses sa kaniyang Instagram account nang siya ay magpost ng litrato na may caption na: “Gusto ko maging parte ng kahit isa sa iyong isang libo at isang tuwa.”

Hanggang sa inanunsyo na nga ng Twitter account ng Eat Bulaga na maglalaro ang aktres sa bagong segment nila na may pamagat na Bawal Judgmental.

Pagkatapos ng anunsyong ito ay nagtrending din ang mga hashtag na Eat Bulaga at #KissesDelavin.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: