
- Hindi ininda ng mga tanod at opisyal ng isang barangay sa Marikina City ang hirap ng pag
sagip sa isang pusa na napunta sa gilid ng tulay - Sa Facebook group na CATS and DOGS RESCUE PHILIPPINES, ibinahagi ni Nethzky P. Vibar ang ilang larawan mula sa aktwal na pagsagip sa pusang nasa tulay
- Marami ang naantig sa ginawang ito ng mga tanod at opisyal ng Industrial Valley Complex
Itataya mo ba ang iyong kaligtasan para mailigtas ang isang pusang nangangailan?

Hinangaan ng marami ang mga tanod at opisyal ng isang barangay sa Marikina City matapos nitong sagipin ang isang pusa na napunta at hindi na makaalis pa sa gilid ng tulay. Sa Facebook group na CATS and DOGS RESCUE PHILIPPINES, ibinahagi ng isa sa mga miyembro ng grupo ang ilang larawan mula sa aktwal na pagsagip sa pusa na na-stranded sa gilid ng isang tulay.
“Nakaka-proud ang mga tanod at opisyal ng Industrial Valley Complex, Marikina City. Safe na si Mingming,” saad ni Nethzky P. Vibar sa caption ng mga litratong ini-upload niya sa nasabing Facebook group.
Sa mga larawan pa lamang ay makikita na kung paano nahirapan ang mga sumagip sa pusa. Isa sa kanila ang pilit na umabot sa pusa; habang nagtulong-tulong ang iba sa paghawak sa lalaking naroon para matiyak na hindi to mahuhulog habang inililigtas ang kaawa-awang hayop.
Mayroong humawak sa kanyang mga balikat, mga braso, mga paa, at iba pang bahagi ng katawan. Sa huli, natulungan din sa wakas ang pusa at walang nasaktan o napahamak sa mga tumulong.

Marami ang naantig sa ginawang ito ng mga tanod at opisyal ng Industrial Valley Complex, Marikina City.
Maraming salamat sa mga tumulong para mailigtas ang pusa