Make up tutorial ni Roxanne Barcelo, kinaaliwan ng mga netizens

Imahe kuha mula sa video ni Roxanne Barcelo via YouTube channel
  • Kakaiba ang ginawang make-up tutorial ng aktres at singer na si Roxanne Barcelo o kilala rin sa tawag na Roxy B sa kaniyang YouTube channel
  • Imbes kasi na make-up tutorial lang, hinaluan din ito ni Roxanne ng nakakatuwa niyang personality, baluktot na Ingles, at beki languange
  • Sa tinawag niyang budol-budol make-up, ito raw ay bagay sa mga babaeng ayaw uminom ngunit nais magmukhang lasing
Imahe kuha mula sa video ni Roxanne Barcelo via YouTube channel

Unang nakilala ang aktres, singer, at model na si Roxanne Barcelo o kilala rin ngayon sa tawag na Roxy B, sa Pinoy Big Brother: Celebrity Edition noong 2006.

Pagkatapos ng PBB ay sumabak na si Roxanne sa mga acting roles sa telebisyon at pelikula. Nagkaroon din siya ng sariling single dahil nakilala rin siya sa ganda ng boses.

Nanahimik muna si Roxanne sa showbiz ngunit patuloy pa rin ang kaniyang pag-arte at pagmo-model. Hanggang nitong taon, umugong ulit ang kaniyang pangalan pagkatapos sumali sa Tawag ng Tanghalan celebrity champions.

Imahe kuha mula sa video ni Roxanne Barcelo via YouTube channel

Dahil na rin sa kakaibang personalidad at nakakatawang kilos ni Roxanne ay mas lalo siyang kinaaliwan ng mga manonood at pati na rin ng mga Showtime hosts.

Ngunit bukod sa paglabas sa telebisyon at pagkakaroon ng indie film, mas lalong kinaaliwan si Roxanne dahil sa kaniyang mga vlogs sa sariling YouTube channel.

Isa nga sa kaniyang mga vlog ay ang kaniyang sariling bersyon ng make-up tutorial, kung saan ay itinuro niya ang “budol-budol make-up.”

Imahe kuha mula sa video ni Roxanne Barcelo via YouTube channel

Ang make-up tutorial na ito ay hindi pagkaraniwan dahil hinaluan ito ni Roxanne ng kaniyang mga nakakatawang banat at mala-bekimon na pananalita.

Gumamit din siya dito ng mga kakaibang salita na nilagyan pa niya ng nakakatuwang kahulugan. Bukod pa roon, mayroon ding ibinahagi si Roxanne tungkol sa kaniyang pagme-make up.

Imahe kuha mula sa video ni Roxanne Barcelo via YouTube channel

Mukha mang nilalaro lang ni Roxanne ang pagme-make up, sa dulo naman ng video ay makikitang maganda ang kaniyang pagkakagawa sa tinawag na “budol-budol make up.”

Ang make up daw na ito ay para sa mga babaeng ayaw uminom ngunit gustong magmukhang namumula dahil sa pag-inom.

Panoorin ang vlog na ito dito: