
- Kinaaliwan sa social media ang pangalan ng isang patahian na ipinangalan sa 2019 American Music Awards “Artist of the Decade” na si Taylor Swift: ang “Tailor’s Swift”
- Sa post ng Facebook page na PG
AG, ibinahagi nito ang litrato ng patahian na ginawan nito ng meme - Iniba rin nito ang ilang linya mula sa mga popular na kanta ni Swift na “Love Story” at “Look What You Made Me Do”
Kinaaliwan ng maraming social media user ang pangalan ng isang patahian na isinunod sa isang popular na international artist.

Sa post ng Facebook page na PGAG, ibinahagi nito ang meme na ginawa sa litrato ng patahian na isinunod sa pangalan ng 2019 American Music Awards “Artist of the Decade” na si Taylor Swift: ang “Tailor’s Swift”.
Iniba rin nito ang ilang linya mula sa mga popular na kanta ni Swift na “Love Story”, mula sa “we were both young when I first saw you” ay naging “we were both young when I first SEW you”; at “Look What You Made Me Do”, na sa halip na “oooh, look what you made me do” ay ginawang “oooh, look what you made me SEW”.
Napasaya ng nasabing post ang maraming social media users at umabot na sa mahigit 4,500 ang shares nito at nakakuha na rin ng lampas 11,000 reactions. Ilang daang netizens na rin ang nag-iwan dito ng kumento. Karamihan ay umisip ng paraan kung paano maipapasok sa linya mula sa mga kanta ni Swift ang mga salitang may kinalaman sa pananahi.
“SEW the lights, SEW the party, the ballgowns, SEW you make your way to the crowd and SEW ‘hello’,” ani Eden Cerbito.

“So is it gonna be forever, or is it going down in THREADS?” saad ni Don Vincent Mondido.
Kumento naman ni Clifford Culanag Patalinjug Ymbong, “Kaya pala ‘Singer’ ang sewing machine.”
May ibabahagi ka rin bang “bagong lyrics” sa kanta ni Taylor Swift?