
- Sobrang popular noon sa mga bata ang maliliit na laruang nakalilikha ng robot, eroplano, kastilyo, at iba pang nasa imahinasyon nila
- Sa tinatawag nilang “Legong Pinoy”, palawakan ng imahinasyon ang labanan para mas masulit ang bawat piraso ng laruang abot-kaya rin ang halaga
- Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang kabataan nila nang makita ang litrato ng maliliit na laruang ito
Naglalaro ka rin ba noon ng “Legong Pinoy”?

Sobrang popular noon sa mga bata ang maliliit na laruang nakalilikha ng robot, eroplano, kastilyo, at iba pang nasa imahinasyon nila. Sa tinatawag kasing “Legong Pinoy”, palawakan ng imahinasyon ang labanan para mas masulit ang bawat piraso ng laruang abot-kaya rin ang halaga. Kapag mas mahusay ang imahinasyon mo, kapag mas malikhain ka, mas mapapasaya ka ng mumunting laruang ito.
Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang kabataan nila nang makita ang litrato nito. Wika nila, napakarami nilang nabuo dahil lamang sa mga ito na murang-mura lamang nilang nabibili noon sa tindahan o sa labas ng paaralan.
“Dami ko ganiyan noon. Bumubuo ako lagi ng castle. Iyan ang lagi ko binibili sa kantina, or nakukuha kasi iyan sa mga tsitsirya noon,” pagbabahagi ng netizen na si Lailanie Palayon.
“Isa sa mga paborito kong laruin noong bata ako! Mura na, magiging creative ka pa,” wika ni Divino de Guzman.
“Dito nabubuo ang imahinasyon nating kabataan noon. Maraming nagagawa dito, ang lego ng mahihirap na batang Pilipino,” pagbabalik-tanaw ni Willie Esguerra.

“Palawakan ng imahinasyon hehe! Makabubuo ng isang magandang bagay mula riyan. Nakaka-miss ang kabataan,” kumento ni Alexander Santiago Francisco.
Kuwento naman ni Jason Cariño, “Ang saya ko noong pauwi ako galing school tapos nakapulot ako ng isang supot na ganiyan hahaha!”
Ikaw, naglaro ka rin ba nito noon?