
- Sinurpresa ng Syrian vlogger na si Basel Manadil o The Hungry Syrian Wanderer ang isa sa kaniyang mga empleyado
- Dahil hindi binigyan ni Basel ang empleyadong ito ng advance paycheck para pambayad sana sa upa, sinubukan ni Basel kung mag-iiba ang ugali ng empleyado
- Ngunit dahil hindi nagbago ang ugali ng empleyado, binayaran ni Basel ang upa nito at binilhan pa siya ng mga appliances

Nakilala ang Syrian vlogger na si Basel Manadil dahil sa kaniyang YouTube channel na The Hungry Syrian Wanderer at ang kaniyang ginagawang kabutihan sa mga Pinoy.
Bukod sa pamimigay ng mga donasyon at pagtulong sa mga kapus-palad, mas lalong nakilala si Basel matapos niyang itampok sa kaniyang vlog ang pamimigay ng libreng pagkain sa mga Grab Food riders kung saan siya umorder at iba pang gawaing nakatataba ng pus0.
Patuloy ang pagbibigay ng tulong ni Basel sa mga Pinoy, at kaniya itong itinatampok sa kaniyang YouTube channel kung saan ay mayroon na siyang mahigit 1.5 million subscribers.

Kamakailan, bago na namang vlog ang inupload ni Basel, at sa pagkakataong ito ay kaniyang empleyado mismo ang kaniyang tinulungan.
Sa unang bahagi ng video, kinuwento ni Basel na ang empleyado niyang ito sa kaniyang shop na si Victor ay unang lumapit sa kaniya at humingi ng advance salary upang pambayad umano sa upa nito. Ngunit hindi umano ito pinansin ni Basel.
“Because, I wanted to see his real attitude, if he’s gonna change in the work or not. I wanted to make sure that he’s deserving the help that I’ll be giving him,” ani ng vlogger.

At hindi naman nadismaya si Basel dahil kahit hindi napagbigyan, hindi naman umano nagbago ang ugali at trabaho ni Victor. “Even though I ignored his request of advancing his salary to pay his rent, he did not change. Which made me want to help him more,” ani Basel.
Nagkunwari muna si Basel na kakausapin si Victor tungkol sa trabaho, pero ang hindi alam ng huli ay susurpresahin siya ng boss ng mga gamit sa bahay tulad ng rice cooker, unan, at iba pa. Ang pera rin na ibinigay ni Basel pambayad ng upa ay hindi niya ibabawas sa suweldo ni Victor.
“So you asked me before for advance, what I’m gonna do now is I’ll give you money and that’s not advance. So this if free. And then your salary, you’ll still get it this December,” ani Basel kay Victor.
Sa huling bahagi ng video, sinabihan ni Basel si Victor na magpatuloy sa magandang pagtatrabaho at huwag umano siyang magbabago. Sabi pa ng vlogger, hindi ito ang huling pagkakataon na tutulungan niya si Victor.
Panoorin ang buong video dito: