Jun Veneracion, nagbahagi ng video kung gaano kahirap ang trabaho ng mga cameramen

Imahe kuha mula sa video ni Jun Veneracion via Instagram
  • Matapang na naghahatid ng balita mula sa mga lugar na tinamaan ng bagyo ang mga mga mamamahayag at ang kanilang crew
  • Sa video na ibinahagi ng reporter na si Jun Veneracion, ipinakita ang panganib na sinusuong ng mga news crew para sa balita
  • Makikita sa video ang mga cameramen na matatag na kumukuha ng video sa kabila ng malakas na hangin mula sa katabing dagat
Imahe mula kay Jun Veneracion via Instagram

Mahalaga ang tungkulin ng mga journalist o mamamahayag sa ating lipunan. Sila ang tagapagbigay ng katotohanan at tumatayong mata at tainga ng normal na mamamayan.

Iba’t iba ang gawain ng isang journalist; maaari siyang magsulat ng mga balita at editoryal sa dyaryo, magsagawa ng makabuluhang research na tumatalakay sa mga isyu na kinahaharap ng bansa, at maging mamamahayag sa radyo o telebisyon.

Hindi madali ang maging isang journalist, dahil bukod sa dapat ay nasa panig sila ng katotohanan at patas na pamamahayag, kailangan rin nilang suungin ang anumang bagay para lang makapaghatid ng balita.

Imahe mula kay Jun Veneracion via Instagram

Minsan ay nalalagay din sa alanganin ang kapakanan ng isang journalist o mamamahayag dahil na rin uri ng kanilang trabaho.

Tulad na lamang sa tuwing mayroong dumarating na bagyo dito sa bansa. Paulit-ulit na ipinapahayag sa balita na huwag lumabas o kaya’y  lumikas na sa ligtas na lugar ang mga taong maaapektuhan ng bagyo. Ngunit salungat ito para sa mga reporters, dahil kailangan nilang suungin ang bagyo para lang ipamalita ang kalagayan ng mga lugar na masasalanta.

Sa video na ibinahagi ng senior news reporter ng GMA na si Jun Veneracion kamakailan, ipinasilip niya kung gaano kadelikado ang trabaho ng mga news crew.

Makikita sa video ang dalawang cameraman habang nasa tabi ng baybayin na nakararanas ng bagy0. Makikita sa video ang lakas ng hangin dulot ng bagy0ng Tisoy at kung paano liparin ang mga damit na suot ng mga cameraman.

Imahe mula kay Jun Veneracion via Instagram (I-click ang imahe upang mapanood ang video)

Habang hawak ng isang cameraman ang camera na ginagamit na pangkuha ng video, hawak naman ng isa ang payong na pamprotekta sa hawak na camera. Ngunit sadyang malakas ang hangin at halos masira na ang payong.

Ang video na ito ay nilagyan ni Jun ng caption na: Seldom do we see footage of them on television because they work best behind the scenes. #TyphoonTisoy #videojournalists

Maraming netizens ang mas lalong humanga at nagbigay halaga sa trabaho ng mga mamamahayag sa likod ng camera.