
- Kinaaliwan ng maraming social media users ang mga iginuhit ng isang lalaki sa mga tissue paper mula sa popular fast food chain na Jollibee
- Sa Facebook, ibinahagi ni Daniel Blancaflor ang mga iginuhit niya habang naghihintay sa nasabing kainan
- As of posting, nakakuha na ang kanyang Facebook post ng halos isang libong kumento, lampas 32,000 reactions, at mahigit 48,000 comments
Ano ang ginagawa mo kapag naghihintay ng order –o ng kasama– sa isang kainan?

Kinaaaliwan ngayon ng maraming social media users ang mga iginuhit ng isang lalaki sa mga tissue paper mula sa popular fast food chain na Jollibee. Hindi kasi basta-basta ang ginawa nitong pagpapalipas ng oras.
Sa mga iginuhit niya, makikitang hindi sayang ang panahong iginugol niya sa paghihintay dahil gumana ang pagiging malikhain niya sa kanyang mga iginuhit.
Series ng mga drawing ang ibinahagi ni Daniel Blancaflor sa kanyang Facebook account. Nilagyan niya ng katawan ang ulo ni Jollibee na nakalagay sa tissue. Naging bida ito sa isang kuwento at nagdagdag din siya ng mga tauhan. Itinampok ng serye niya ang saya at kabiguan sa pag-ibig ng pangunahing karakter niya. May mga nakaaantig na tagpo, at mayroon din namang mga nakakatawa.
Hindi nakapagtataka kung bakit nag-viral ang mga larawan ng serye na iginuhit niya. As of posting, nakakuha na ang kanyang Facebook post ng halos isang libong kumento, lampas 32,000 reactions, at mahigit 48,000 comments. Aliw na aliw ang mga netizen sa post na ito.

Samantala, mayroon din siyang mga iginuhit kung saan tampok ang Pinoy band na Ben & Ben. Isinulat pa niya ang lyrics ng isa sa mga kanta nito, “Leaves will soon grow from the bareness of trees. And all will be alright in time.” Ikinatuwa rin ito ng mga fan ng banda.
Nakaaaliw naman talaga ang naisip na ito ni Daniel!
Ikaw, anong pinagkakaabalahan mo kapag naghihintay sa isang kainan?