JC De Vera, ibinahagi ang detalye ng nalalapit na kasal sa non-showbiz gf

  • Sa kaniyang interview sa isang programa, ibinahagi ni JC de Vera ang ibang detalye ng nalalapit niyang kasal
  • Ikakasal si JC sa kaniyang non-showbiz girlfriend na si Rikkah Cruz na ina ng kanyang anak
  • Bukod sa mga detalye ng kanilang kasal, nagkuwento rin si JC tungkol kay Rikkah at sa kanilang anak

Karamihan sa mga artista ngayon, lalo na ‘yung mga bago pa lang sa industriya, ang doble ingat tungkol sa kanilang relasyon.

Imahe mula kay JC de Vera via Instagram

Bukod kasi sa maaaring makaapekto sa kanilang career ang relationship status nila, maaari ding walang sumuporta sa tuwing itatambal sila sa ibang artista.

Kaya naman ang mga ibang artista ay minamabuti nang panatilihing tahimik at pribado ang kanilang relasyon lalo na kung ang kanilang karelasyon ay hindi naman tulad nilang artista.

Isa na marahil ang aktor na si JC de Vera sa mayroong “low-key” o pribadong relasyon kasama ang kaniyang girlfriend at ang kanilang isang taong gulang na anak.

Hindi man palaging laman ng balita ang tungkol kay JC at kaniyang pamilya, lagi namang nagpo-post ang aktor sa kaniyang Instagram ng mga litrato at video nilang mag-anak.

Imahe mula kay JC de Vera via Instagram

Kamakailan, ibinahagi ni JC sa kaniyang interview sa Tonight with Boy Abunda ang detalye ng nalalapit na kasal niya kay Rikkah Cruz, ang kaniyang non-showbiz girlfriend.

Ayon kay JC, may nakausap na silang suppliers at coordinators sa kanilang kasal na balak nilang ganapin out of town. Mayroon na ring silang napiling simbahan at tema ng kasal.

Sinabi rin ni JC na hindi magiging flower girl ang anak nila na si Lana, dahil ito umano ang magiging little bride. Pagpapaliwanag ni JC, gusto niyang magmistulang bride rin ang anak katulad ng kaniyang mama.

Bukod rito, inilarawan din ni JC ang kaniyang bride-to-be. “Very classic, old soul. Very kind and very humble. Gusto niya lang kasama kami, ‘yung family.”

Imahe mula kay JC de Vera via Instagram

Sinabi rin ni JC na hinintay niya si Rikkah ng anim hanggang pitong taon bago sila naging magkarelasyon. Ngunit bago sila magkaroon ng relasyon ay mas nauna umano silang naging magkaibigan.

Panoorin ang kabuuan ng kaniyang interview dito:


Loading...
Source :

YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: