Instant jam! Busker na fan ni Moira, nasaktuhan ng singer habang inaawit ang mga kanta niya

  • Nasaktuhan ni Moira Dela Torre ang isang busker na kumakanta ng mga awit niya
  • Ikinatuwa ito ng singer na nasa likod ng mga popular na awiting “Malaya” at “Tagpuan” kaya naman ibinahagi niya sa social media ang video nito
  • Makikita sa video kung paano nasurpresa ang isang busker nang mapagtanto niyang naroon si Moira at nanonood sa kanya; nakipag-jam din sa kanya ang idolo

Paano kung bigla na lamang dumating ang idolo mo habang inaawit mo ang kanyang kanta?

Image capture from Facebook video | Moira Dela Torre

Nasaktuhan ng popular singer na si Moira Dela Torre ang isang busker na kumakanta ng mga awit niya habang nakapuwesto sa isang mall. Makikita sa video kung paano nasurpresa ang busker nang mapagtanto niya na naroon pala si Moira at nanonood sa kanya. Nakipag-jam din sa kanya ang idolo at ang asawa nitong mang-aawit na si Jason Hernandez.

“Nagdi-dinner lang kami noong may narinig kaming nagba-busk, kinakanta mga kanta namin. Iba pa rin talaga ‘yong feeling na marinig mo ang kanta mong kinakanta ng iba,” pagbabahagi ng popular singer sa caption ng video na ini-upload niya sa kanyang official Facebook page.

“Sobra-sobra akong nagpapasalamat sa Panginoon sa lahat ng ipinakilala Niya sa akin sa Tagpuan, kaya sinorpresa namin ni Jason ‘yong kumakanta,” wika ng singer na nasa likod ng “Malaya” at “Tagpuan”.

Kuwento ni Moira, TJ ang pangalan ng babaeng kumakanta at ang dami nitong napasaya sa nasabing lugar — at isa raw siya sa mga taong iyon.

I-click ang imahe para mapanood ang video.

“Salamat sa lahat ng nakikanta sa #BiglaangTagpuan. What a great way to end the year,” aniya. “And to @trinamorata, please always remember this: you are stronger and braver than you think. I’m so thankful to have met you.”

As of posting, nakakuha na ng lampas 25,000 shares at mahigit 156,000 reactions ang video na ibinahagi ni Moira. Mayroon na rin itong ilang libong kumento.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: