
- Kinupkop, inaruga, at minahal ng isang lalaki ang isang special child na inayawan ng 20 pamilya
- Noong 2017, 13 days old pa lamang si Alba ngunit paulit-ulit na niyang naranasang ayawan, hanggang sa dumating si Luca Trapanese at pinili siyang maging anak
- Ngayon, si Alba na ang iniikutan ng mundo ni Luca at labis daw siyang pinasasaya ng batang itinuturing niya bilang isang tunay na anak na kumukumpleto sa kanya
Ilang araw pa lamang matapos isilang ay paulit-ullit nang nakaranas ng rejections ang special child na si Alba dahil sa kanyang kondisyon–mabuti na lamang at dumating si Luca Trapanese at nagsimulang tumayo bilang ama niya.

Taong 2017 nang isilang at na-diagnose na may Down Syndr0me si Alba. Dahil sa kanyang kondisyon, ipinaampon siya ng kanyang ina ngunit inayawan siya ng ng 20 pamilya. Mabuti na lamang ay natagpuan siya ni Luca at pormal na inampon noong 13 days old ito. Ani Luca, una pa lamang ay nakadama na siya ng espesyal na koneksyon na sanggol.
“When I first held her in my arms, I was overcome with joy. I felt she was my daughter straight away,” pagbabahagi niya sa isang panayam. Wika ni Luca, bagama’t unang beses niyang kumarga noon ng sanggol na halos kapapanganak pa lamang ngunit sa halip na kabahan o matakot ay lalo niyang natiyak na nais niyang maging ama nito.
“It was the first time I held a newborn baby. Before that moment, I had always been scared. But, when I first held Alba, I knew I was ready to be her dad,” kuwento niya.
Ngayon, si Alba na ang iniikutan ng mundo ni Luca at labis daw siyang pinasasaya ng batang itinuturing niya bilang isang tunay na anak na kumukumpleto sa kanya. Aniya, “Everything revolves around her. She brought me happiness and a sense of fulfillment. I am proud to be her dad. I wanted her to be my daughter.”

Sa Instagram account ni Luca, makikita kung gaano sila kasaya sa piling ng isa’t isa.