‘Idolo ng mga batang 90s’: Late actor Miko Palanca, inalala sa social media

Images via Miko Palanca and @erikahocson's IG accounts
  • Ikinalungkot ng marami ang pagkawala ng 90s matinee idol na si Miko Palanca na kilala sa kanyang mga naging papel sa “Tabing Ilog”, “It Might Be You”, atbp.
  • Kamakailan ay napabalita na lamang na namaalam na ito sa mundo sa edad na 41
  • Kinumpirma ng pamilya ni Miko ang impormasyong ito, bagama’t hindi idinetalye ang dahilan nito at humiling na lamang na ibigay sa kanila ang sandaling ito

Bihira nang makita sa telebisyon at pelikula ang 90s matinee idol na si Miko Palanca — kaya naman ikinalungkot ng marami ang katotohanang hindi na nila ito muling mapanonood pa.

Image capture from Instagram

Nito lamang Lunes, Disyembre 9, ay napabalita na lumisan na sa mundo sa edad lamang na 41 ang dating matinee idol na naging bahagi ng ilang malalaking proyekto katulad ng “Tabing Ilog” (2000), “Kay Tagal Kang Hinintay” (2002-2003), at “It Might Be You” (2004-2005).

Kinumpirma ng pamilya ni Miko ang impormasyong ito, bagama’t hindi idinetalye ang dahilan nito at humiling na lamang na ibigay sa kanila ang sandaling ito. Pinasalamatan din nila ang pagbuhos ng mga mensahe ng pagmamahal at suporta para sa kanila na naiwan ng aktor.

Sa social media, patuloy pa ring inaalala ng mga batang 90s ang aktor na hinangaan nila sa pisikal na kaanyuan nito at sa talento bilang isang artista.

“Miko Palanca was one of my fave actor way back 1990s, and until now,” saad ng isang Twitter user. “One of the beautiful faces and great actor in Philippine TV. May you rest in peace, #MikoPalanca.”

“Miko Palanca, you are loved! May you rest in paradise with the Almighty Father!” ani @imsharlene04.

Image capture from Facebook

Samantala, mayroon din mga nanood muli ng mga naging palabas ni Miko; nagkakasya sa mga alaalang iniwan ng aktor noong malaking bahagi pa ito ng industriya ng pagtatanghal.

Kung sabagay, minsan ay mas mainam nga namangsariwain ang naging buhay ng isang tao kaysa ituon ang atensyon sa lungkot na dala ng pagkawala nito.

Image capture from Twitter