
- Kabilang ang maliliit na pulang cherry-flavored bubble gum sa mga palaging binibili noon ng mga bata sa tindahan
- Bukod sa pagiging masarap na bubble gum at sa pagkakaroon ng presyo na abot-kaya, ginagamit din itong lipstick ng mga batang babae at pagkatapos ay aarte na animo ay tunay na dalaga na
- Sa Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng mga “young once” ang isa sa mga paborito nila noong kanilang kabataan
Bubble gum na, lipstick pa! Natatandaan mo ba ang paborito mong cherry-flavored bubble gum noong bata ka?

Kabilang ang maliliit na pulang cherry-flavored bubble gum sa mga palaging binibili noon ng mga bata noon sa tindahan. Bukod kasi sa pagiging masarap na bubble gum at sa pagkakaroon nito ng presyo na abot-kaya, ginagamit din itong lipstick ng mga batang babae at pagkatapos ay aarte na animo ay mga tunay na dalaga na.
Sa Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng mga “young once” ang isa sa mga paborito nilang bilhin at kainin noong kanilang kabataan.
“Sa halagang twenty-five centavos lang ay mayroon ka nang dalawang piraso n’yan. Kaya ‘pag nakakakita ako ng 25 centavo takbo agad ako sa tindhan para bumili,” ani Ameli Mendoza.
“Favorite ko ‘yan noong elementary ako, tapos ginagawa ko pang lipstick noon kasi nga ang red,” pagbabahagi ni Melnor Tamayo-Garcia.
“Oo, iyan lipstick naming magkakapatid. Puwede na rin gamitin sa pisnge. Tapos kung tatawagin kami ng lola ko, punas agad kasi sabihin bakit naka-lipstick ka,” kuwento ni Joniel Justin James.

Samantala, bagama’t bihira na makabili nito ay hindi pa rin naman daw ito tuluyang nawawala.
Ikaw, ano ang naaalala mo sa bubble gum na ito? Dito rin ba nauubos ang mga barya mo noon? Gusto mo rin ba ang lasa nito? Ibahagi ang iyong kuwento at tayo nang bumalik sa kahapon!