Gablil fans tungkol kina Khalil at Gabbi: Love is beautiful when you are with the right person

Images via @gabbi and @khalixgabbi | Instagram
  • Masayang-masaya ang fans sa magkasintahang sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia
  • Bukod sa pagpo-post ng vlogs tungkol sa kanilang mga pinupuntahan at kinakain, nitong taon din ay naging matagumpay ang unang pelikulang pinagsamahan nila
  • Wika ng mga supporter ng Gablil, “Love is beautiful when you are with the right person”

Kitang-kita sa celebrity couple na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia kung gaano sila kasaya sa isa’t isa.

image capture from Instagram

At dahil dito, masayang-masaya rin ang mga supporter nilang dalawa; o ang mga fan ng “Gablil”.

“Love is beautiful when you are with the right person,” wika nila sa caption ng larawan ng dalawa.

Talagang masaya at puno ng biyaya ang pagsasama ng magkasintahan. Bukod sa pagkakaroon ng maraming followers na nakaabang sa pagpo-post nilang ng vlogs tungkol sa kanilang mga pinupuntahan at kinakain, nitong taon din ay naging matagumpay ang unang pelikulang pinagsamahan nila; ang “LSS” na opisyal na kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.

Matatandaang karamihan sa awards sa ginanap na “Gabi ng Parangal, Pagkilala, Pasasalamat” (The PPP Awards Night and Thanksgiving Celebration) ay nasungkit ng “LSS”: ang Best Supporting Actress, Best Original Song, Best Sound Design, PISTAPP Audience Choice Award, at ang Special Jury Award.

Sa Instagram, ibinahagi nina Khalil at Gabbi kung gaano sila kasaya sa mga natanggap na biyaya.

“Hindi pa rin kami makapaniwala. The last time I felt the same surreal feeling was on the Pilipinas Got Talent stage. The feeling of winning without even expecting. Thank you, Lord!” wika ng aktor.

Image capture from Instagram

“Wow. No words could describe how I feel right now. Thank you, guys! Team LSS, pamilya na tayo. Mahal ko kayo,” saad naman ni Gabbi sa isang post.

Hangad ng mga tagahanga ng dalawa na bumuhos pa ang biyaya sa kanilang pagsasama at mas marami pa silang proyektong magawa bilang magkapareha.

Image capture from Instagram