
- Kinaaliwan ng maraming social media users ang isang “flawless lechon”
- Nag-viral ito dahil sa pagkakaroon nito ng balat na ubod ng kinis
- As of posting, nakakuha na ito ng halos 5,500 comments, lampas 17,000 reactions, at mahigit 48,000 shares
Nalalapit na naman ang Pasko at Bagong Taon; kabi-kabila na naman ang handaan at kainan. At siyempre, kung may selebrasyon, puwede ba naman mawala ang paborito nating lechon?

Pero paano kung “flawless” na lechon ang ihain sa harapan mo? Magagawa mo bang kainin ito? Magagawa mo bang bawasan ang lechon na ubod ng kinis ang balat at wala man lang parte na natusta?
Sa Facebook page ng KAP’S BEST Native Lechon, kinaaaliwan ngayon ng maraming social media users ang litrato ng litson na itinitinda nito dahil sa sobrang kinis ng balat nito. Binansagan itong “flawless lechon” at sa katunayan, may mga pabiro ring nagtatanong kung ano ba ang skin care routine nito at mas maganda pa raw ang makintab at makinis nitong balat sa sariling kutis nila.
Sa totoo lang, kapag ganito ang nakahain, parang nakapanghihinayang na sirain ang itsura nito!
“Ay, taray, ano kaya skin care routine ng lechon na ito? Sana all glass skin,” ani Hannah Mendiola.
“Wow, lechon na poreless. Ano po skin care routine n’ya?” tanong ni Cheryl Joy Socuano-Mendoza.
“Buti pa ‘yong lechon hindi haggard. Kahit oily, clear skin pa,” wika ni Karen Decon Coñado.
As of posting, nakakuha na ang larawan ng “flawless lechon” ng halos 5,500 comments, lampas 17,000 reactions, at mahigit 48,000 shares.

Ikaw, ano ang masasabi mo sa makinis na litsong ito? Oorder ka rin ba ng “flawless lechon” dahil tiyak na maganda itong tingnan sa mesa o mas pipiliin mo ang may mga tustadong parte para naman hindi ka manghinayang kapag hihiwain at kakainin mo na ito?