
- Trending ang post ng Angkas sa Twitter patungkol sa isa nilang pasahero na naka-formal attire
- Ang nasabing pasahero ay napag-alamang patungo sa oathtaking ceremony ng mga bagong Geodetic Engineers
- Isa ang Angkas sa mga highly demanded na paraan ng transportasyon ngayon sa bansa
Angkas always saves the day!
Kilala ang app-based motorcycle service na Angkas na takbuhan ng mga pasaherong nais makaiwas sa matinding trapiko sa Kamaynilaan.

Karaniwan sa mga customer ng Angkas ay mga empleyado na papasok sa kani-kanilang mga trabaho. Subalit sa social media post ng Angkas sa kanilang Twitter account ay tampok ang isang babae na nakasuot ng puting gown at high heels na karaniwang ginagamit sa mga Beauty Pageants.
Dahil sa kakaibang larawan na hinaluan din ng nakatutuwang caption na “Elsa on the way to save Arendelle”, maraming netizens ang nagbigay ng mga good vibes at positibong komento sa babaeng pasahero pati na sa Angkas.
Kinalaunan ay nakilala ang misteryosong pasahero na si Afia Yeboah na isang U.P. engineering graduate nang kanyang i-retweet ang nasabing post.
Pinasalamatan ni Afia ang Angkas at ayon dito ay papunta ito sa kanyang oathtaking bilang isa sa mga bagong Geodetic Engineers ng bansa.

Parehong nag-trending ang mga posts na ito ng Angkas at ni Afia sa Twitter na may humigit kumulang na 50,000 engagements bawat isa.
Maliban sa mga kaibigan ni Afia na naghayag ng mga positibong reaksyon, maraming netizens din ang nagkomento na nakatutuwang walang arte ito na sumakay ng motor sa kabila ng kanyang pormal na suot.
“Saludo ako sa mga babaeng walang pakialam sa world. Focus lang. See where you are now… and taas noo saying SO WHAT??”
“Riding Angkas with that dress and heels!? YES WE STAN A KWEEN!”
“A groom somewhere in the Metro is anxiously waiting for his bride. Will she ever make it?”

Maliban dito ay mayroon ding pumuri sa serbisyo na hatid ng Angkas. “Niceeee! Angkas is our modern day hero.”