Elementary days? Netizens inalala ang medyas na may lace na usong-uso noong 1990s

Image via Batang Pinoy - Ngayon at Noon. | Facebook
  • Usong-uso noon sa elementary students ang mga pares ng medyas na mayroong lace
  • May mga panahon din na nagpapagandahan ng medyas ang mga bata; iba’t iba kasi ang disenyo ng mga ito at kung minsan mayroon pa itong maliliit na laso, beads, o sequins bilang palamuti
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon., nagbalik-tanaw ang mga “young once” habang inaalala ang mga sandaling masaya na sila sa pagkakaroon ng medyas na may lace

Natatandaan mo pa ba ang mga sandali kung kailan masaya ka na sa pagkakaroon ng medyas na may lace?

Image capture from Facebook

Usong-uso noon sa elementary students ang mga pares ng medyas na mayroong lace. May mga panahon din na nagpapagandahan ang mga bata. Iba’t iba kasi ang disenyo ng mga ito at kung minsan ay mayroon pa itong maliliit na laso, beads, o sequins na palamuti. Bukod sa regular na pagsusuot nito sa paaralan, hindi rin ito nakaliligtaang isuot sa tuwing namamasyal ang pamilya o kapag nagsisimba kung Linggo.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, nagbalik-tanaw ang mga social media user habang inaalala ang mga sandaling masaya na sila sa pagkakaroon ng medyas na may lace.

“Feel na feel ko noon ‘pag ganito ang medyas ko tapos ‘pag graduation na, ibibili ulit ako ng bago ng nanay ko! Elementary days ko ‘to!” kumento ng Facebook user na si Vi Vian.

“Ang terno po noon ay iyong itim na sapatos tapos ‘yang medyas na ‘yan, at dress na pop, ‘yong maumbok ang sleeves. Grade 2 yata ako noon, tumula…. ‘Pag nag-iigib ako, nagtutula ako. Nasaulo ko. Thanks, God, hindi ako napahiya sa entablado,” pagbabahagi ni Delle J Landoy.

Image capture from Facebook

Ikaw, nagsusuot ka rin ba noon ng medyas na may lace? Ano ang hindi mo makalilimutang alaala na may kaugnayan sa pagsusuot nito? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section.