”Di lang pang-cone’: Balikan ang ice cream sandwich na bumuo noon sa iyong kabataan

Image via Batang Pinoy - Ngayon at Noon. | Facebook
  • Para sa mga batang 90s, ‘di lamang pang-cone o pang-cup ang ice cream, kung ‘di para rin sa tinapay
  • Noon, kapag hihinto ang nagtitinda, marami sa kanila ang bumibili ng “ice cream sandwich” o sorbetes na nakapalaman sa isang malaking tinapay
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, nagbalik-tanaw sa kahapon ang social media users na naging paborito ring meryenda noon ang ice cream sandwich

Isa ka rin ba sa mga nahilig sa ice cream sandwich noong bata ka?

Image capture from Facebook

Para sa mga batang 90s, hindi lamang pang-cone o pang-cup ang ice cream, kung hindi para rin sa tinapay. Noon, kapag hihinto ang nagtitinda, marami sa kanila ang bumibili ng “ice cream sandwich” o sorbetes na nakapalaman sa isang malaking tinapay. Mayroon din mga ginagawa ito sa bahay; yayayain ang magulang na bumili ng isang galong ice cream, at saka dadaan sa panaderya upang magpabili naman ng mainit na monay.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, nagbalik-tanaw sa kahapon ang social media users na naging paborito rin meryenda noon ang ice cream sandwich.

“Favorite ko ‘yan. Noong araw, may nabibilihan niyan sa Villalobos, sa Quiapo. Maliit na bakery. Pili ka ice cream flavor. Avocado or ube for me,” pagbabahagi ni Edith O’Duran.

“Sarap niyan! Nakita ko mga classmate ko way back 1981. Iyon ang snack nila sa umaga, nakita ko sarap na sarap sila kumain. Sabi ko sa sarili ko, try ko nga. Wow! Super! Simpleng pagkain pero walang katumbas na kaligayahan ang dala sa mga bata!” kuwento ni Mila Molleno.

Image capture from Facebook

Samantala, bago pa raw magdekada 90 ay may mga gumagawa na nito. At kahit pa noong 1990s ito naging sobrang popular, hindi pa rin daw nalalaos ang “tambalang” ito. Hanggang ngayon, kapag may pagkakataon, bata man o matanda ay kumakain pa rin nito.

Ikaw, nahilig ka rin ba rito noon? Paborito mo pa rin ba ito hanggang ngayon?