
- Nakipag-movie date kamakailan ang celebrity couple na sina Chito Miranda at Neri Naig sa kanilang staff at sa mga anak ng mga ito
- Sa Instagram, ibinahagi ng actress-entrepreneur na si Neri ang isa sa mga larawang kuha mula sa kanilang panonood ng much-awaited Disney movie na Frozen 2
- Saad ng maybahay ng Parokya ni Edgar frontman, pahinga muna sila sa trabaho para sa movie date
Nag-enjoy kamakailan sa isang masayang movie date ang celebrity couple na sina Chito Miranda at Neri Naig kasama ang kanilang staff at mga anak ng mga ito.

Sa Instagram, ibinahagi ng actress-entrepreneur na si Neri ang isa sa mga larawang kuha mula sa kanilang panonood ng much-awaited Disney movie na Frozen 2. Saad ng maybahay ng Parokya ni Edgar frontman, pahinga muna sila sa trabaho para magrelaks sa isang movie date kasama ang mga bata.
“Movie date with our staff and their kids. Nanood kami ng Frozen 2. Day off muna kami tapos work ulit tom,” saad niya sa caption ng larawan na kanyang ini-upload.
Sa kabila ng pagiging abala sa kanya-kanya nilang trabaho at karera, pinahahalagahan talaga ng mag-asawang sina Chito at Neri ang pagkakaroon ng “pamper time”. Kamakailan, ibinahagi ng aktres na pagkatapos ng isang nakakapagod na araw ay sinundo siya ng kanyang mister at sinamahan siyang magpa-spa, body scrub, at facial sa loob ng tatlong oras.

“Pagkatapos ng maghapong trabaho at meetings, ang sarap na uuwi ka sa tunay mong bossing, hihi! Bago niya ako sinundo galing sa trabaho, hinayaan n’ya muna akong magpa-spa, body scrub, at facial for three hours! Day off na day off ko, haha!” pagbabahagi ni Neri sa caption ng litratong kanyang ibinahagi sa Instagram.
Samantala, maraming tagahanga ang natuwa nang makita ang larawan ng movie date nila sa nasabing photo sharing app.
Kung hindi mo pa napapanood, narito ang isa sa mga trailer ng Frozen 2.