Daniela ng Kadenang Ginto, nagbigay-pugay sa masisipag na staff ng kanilang show

  • Nagbigay-pugay ang popular Kadenang Ginto star na si Dimples Romana sa mga masisipag na staff ng kanilang show
  • Sa Instagram, pinasalamatan niya ang mga nagtatrabaho sa likod ng kamera
  • Sinabi niya rin sa mga ito na kaunti na lang at Pasko na, makakasama na nila ang mga pamilya nila

Bukod sa mga mahuhusay na artista, malaki rin ang naiaambag sa isang show ng mga taong nagtatrabaho sa likod ng kamera.

Image via Dimples Romana | Instagram

Sa Instagram, nagbigay-pugay ang popular Kadenang Ginto actress na si Dimples Romana sa mga masisipag na staff ng kanilang show; ang mga dedikadong taong nagtatrabaho sa likod ng kamera.

“Early morning positivity and happy vibes from my KG Family!” saad niya sa caption ng mga larawan kasama ang kanyang mga co-star at ang masisipag nilang staff. “Kaya natin ‘to! A big salute to all the women and men behind the camera dito sa show namin! They’ve been working hard day and night! Love you, guys, so much! So so proud of you all!”

Sa gitna ng pagod at puyat, ipinaalala niya sa mga ito na malapit na ang Pasko at magiging masaya na sila sa piling ng kani-kanilang mga pamilya.

“Kaunti na lang Pasko na, we’ll be with our families! #FamilyIsLove #FamilyIsForever para sa pamilya! Let’s do this!” wika ng aktres na tinaguriang “Golden Kontrabida” dahil sa mahusay na pagganap nito sa papel ng antagonist sa teleserye na si Daniela Mondragon.

Image via Dimples Romana | Instagram

Nagpahayag din ng suporta ang mga manonood nila. Mayroong nagpasalamat sa kanilang mga ibinibigay para mapaganda lalo ang popular show, may mga bumati na rin kaagad para sa parating na Pasko. Hiniling din ng marami na sana ay mas tumagal pa ang programang ito dahil talaga raw sinusubaybayan nila ang kuwento at mahuhusay na artista nito.


Loading...
Source :

Instagram

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: