
- Kasado na sa susunod na taon ang pelikulang pagsasamahan ng Kapamilya actors na sina Angelica Panganiban at Coco Martin
- Ang pelikulang ito na may pamagat na “Love or Money” ay nakatakdang ipalabas sa Valentine’s day 2020
- Excited naman sina Angelica at Coco dahil unang beses nila itong pagtatambal sa pelikula
Maraming bagay ang maaaring asahan sa paparating na bagong taon. Nandiyan ang magandang career, masayang buhay pag-ibig, mas maraming magagandang oportunidad at pera, mabuting kalusugan, at marami pang iba.

Pero para naman sa mga fans nina Angelica Panganiban at Coco Martin, ang tambalan ng dalawa sa isang pelikula ang maaari nilang panabikan sa paparating na taon.
Kasado na kasi ang pelikula ng Kapamilya actors na sina Angelica at Coco na pinamagatang “Love or Money.” Ang pelikulang ito ay ipapalabas sa mismong Valentine’s Day 2020.

Kamakailan, ginanap ng Star Cinema ang story conference ng nasabing pelikula na ididirihe ni Mae Cruz-Alviar. Ito ang unang pagkakataong magtatambal sa pelikula sina Angelica at Coco.
Nang tanuningin si Angelica tungkol sa kaniyang nararamdaman sa paggawa ng pelikula kasama ni Coco, ani ng dalaga “Exciting siya… iba rin ‘yung magiging experience na makagawa ng pelikula kasama siya (Coco).”
Ayon naman kay Coco, “Kinakabahan kasi bagong kombinasyon and definitely, ‘yung project, ibang-iba sa Probinsyano, e.”
Sinabi rin ng aktor na hindi makaaapekto ang shooting ng pelikula sa palabas na Ang Probinsyano “Actually maayos naman ‘yung schedule. Sanay din naman ako na habang nagpo-Probinsyano, nakakagawa ng pelikula.”

Ayon naman sa direktor ng pelikula na si Mae Cruz, ang kuwento umano ng Love or Money ay galing sa managing director ng Star Cinema na si Olivia Lamasan.
“They waited for the right time na magawa itong konseptong ito and the perfect casting. And then, when they found the perfect casting for this, that’s when they realized na this is the perfect Valentine’s offering for 2020,” ani direk.
Asahan din daw na makita ang romance, drama, at comedy sa nasabing pelikula. Panoorin ang video ng kanilang story conference dito: