Chito sa asawang si Neri: Katabi mo lang ‘yong tao pero nami-miss mo pa rin

Image via Chito Miranda | Instagram
  • Marami ang kinilig sa post ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda tungkol sa kanyang asawa na si Neri Naig
  • Sa caption ng litratong ibinahagi niya sa Facebook, sinabi ni Chito na kahit katabi niya lamang ang kanyang maybahay ay nakadarama siya ng pangungulila rito
  • Hanggang ngayon ay hindi  pa rin daw siya makapaniwala na asawa na niya ito

“Nararamdaman n’yo rin ba ‘yon minsan? ‘Yong katabi mo lang ‘yong tao nami-miss mo pa rin siya?” tanong ng Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda sa kanyang mga followers.

Image via Chito Miranda | Instagram

Sa caption ng litratong ibinahagi niya sa Facebook, sinabi ni Chito na kahit katabi niya lamang ang kanyang maybahay ay nakadarama pa rin siya ng pangungulila rito.

“Sobrang nami-miss ko asawa ko kahit katabi ko lang siya. nararamdaman n’yo rin ba ‘yon minsan? ‘Yong kahit katabi mo lang ‘yong tao nami-miss mo pa rin s’ya? Araw-araw may gig ang Parokya ngayong buwan at sobrang busy rin ni Neri, kaya kahit nagkikita kami araw-araw, sobrang nami-miss ko pa rin talaga s’ya. Sa sobrang pagka-miss ko, tinitingnan ko ‘yong mga picture n’ya rito sa phone ko,” aniya.

“Para kasing ‘di ako makapaniwala na mahal at pinakasalan ako ng babaeng ito, at kinabahan ako bigla kasi parang too good to be true. Paano kung isang araw tamarin na lang s’ya bigla na mahalin ako or ma-realize n’ya na she could do a lot better than me? Sobrang nakakatakot,” pagpapatuloy ng OPM artist.

Sa kabila ng nadaramang pangamba, ito rin daw ang nagiging inspirasyon ni Chito para mapabuti pa ang sarili at mas mahalin siya ng kanyang asawa.

Image capture from Facebook

“Gusto ko tuwing titingnan or maiisip mo ako, makikita mo na ako ang best husband sa buong universe, at hinding-hindi mo kakayanin na iwan ako at hindi ako mahalin. Gusto ko whenever you look at your life and where you are now, alam mo na naka-jackpot ka sa asawa kasi ako ang napili mo na pakasalan at mahalin habambuhay,” wika pa ni Chito.

May forever!