Childhood memories: Mga hapong binuo ng buko-monggo ice drop ni manong

Image via Batang Pinoy - Ngayon at Noon. | Facebook
  • Binuo ng buko-monggo ice drop ang napakaraming hapon sa buhay ng mga bata noon
  • Talaga namang napapatakbo at iniiwanan maging ang paglalaro kapag narinig na nila ang kalembang ng manong na nagtitinda nito; at pagkatapos bumili ay saglit munang uupo
  • Sa Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga sandali ng paborito at abot-kayang meryendang ito

Nangangaripas ka rin ba palabas ng bahay o nakikipagpaunahan sa mga kalaro para sa buko-monggo ice drop?

Image capture from Facebook

Daig pa ng manong na nagtitinda ng buko-monggo ice drop ang superstar sa tuwing dadagsain ito ng mga bata na animo ay mauubusan ng paborito nilang meryenda pagdating ng hapon.

Napapatakbo ang mga ito; agad na hihingi ng pera sa nanay; o nagbabaon na ng barya habang naglalaro sa labas at saka biglang sisibat kapag narinig na ang kalembang ng sorbetero, at siyempre kasabay din mangangaripas ang mga kalaro. Pagkatapos naman bumili ay saglit munang uupo; magkukuwentuhan ng kung ano-ano habang inuubos ang binili nila. Talaga namang binuo ng buko-monggo ice drop ang napakaraming hapon sa buhay ng mga bata noon!

Sa Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga sandali ng paboritong meryendang ito. Anila, tandang-tanda pa rin nila pati ang lasa nito.

“Champion sa lasa! Hinahanap-hanap ko ang lasa ng ice drop na may beans na ito. Favorite ko noong nasa grade school pa lang ako,” pagbabahagi ni Gersil Gelito Jontilano.

“Hindi talaga puwedeng hindi ako bibili kapag dumaan iyan,” wika ni Jeanette Del Valle Sante.

“Hinihintay ang pagtunog ng kampana ni manong sorbetero dahil alam na this,” ani Hariamo Norah Amusid.

Image capture from Facebook

Ikaw, isa ka ba sa mga nahilig noon sa buko-monggo ice drop? Maaari kang gumawa nito para sa sarili mo! Narito ang isa sa mga “how to” videos na nasa YouTube: