
- Masaya na ang mga bata noon sa matatamis at iba’t ibang kulay na meringue
- Hindi kailangan ng malaking pera sa pitaka dahil sa murang halaga ay maaari nang makabili ng popular na meringue sa tindahan
- Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon., bumalik sa nakaraan ang maraming users habang inaalala ang mga masasaya at matatamis na gunitang maiuugnay nila sa meringue
Kuntento na ang mga bata noong araw sa simpleng mga laruan at pagkain na mabibili sa mga sari-sari store.

Kabilang sa mga bagay na nagpapasaya sa mga paslit noon ay ang matatamis at iba’t ibang kulay na meringue; ang mga matamis na pagkaing kawangis ng icing ngunit mas matigas sa mga ito. Bagama’t hindi nakakabusog ay tuwang-tuwa pa rin dito ang mga bata dahil bukod sa masarap ito, hindi nila kailangan ng malaking pera sa pitaka dahil sa murang halaga ay maaari nang makabili ng popular na pagkaing ito sa mga tindahan; kahit ang mga barya nila ay marami nang mabibili.
Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, bumalik sa nakaraan ang maraming Facebook users habang inaalala ang mga masasaya at matatamis na gunitang maiuugnay nila sa meringue.
“Iyan naman ang hilig ng mga anak ko. Paghingi ng pera, iyan ang bibilhin nila. Matamis masyado,” pagbabahagi ng Facebook user na si Ester Placido Sarmiento.
“Hahaha icing pa more! Kulang pa isang balot sa akin niyan. Super sarap at talagang mamimili ka pa ng color. Hahaha! Kahit pareho lang lasa niyan,” kuwento ni Sharon Ongchua Gealon.
“Miss ko na iyan. Gusto ko pink dahil parang naka-lipstick ka pagkatapos,” wika ni Lhet Lhet.

Ikaw, ano-ano ang mga gunitang ibinabalik sa iyo ng 90s favorite na meringue? Hanggang ngayon ba ay hinahanap-hanap mo pa rin ito kung minsan? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section!