Childhood memories: Matatamis na sandaling dala ng Turkish Delight noong dekada 90

Image via Batang Pinoy - Ngayon at Noon. | Facebook
  • Kabilang ang Turkish Delight sa mga pagkaing nagustuhan talaga noon ng mga bata
  • Kahit nagmula ito sa Middle East, Pinoy na Pinoy ang tingin dito ng mga batang 90s dahil isa ito sa mga matatamis na pagkain na kinalakihan at kumumpleto sa kabataan nila
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga alaalang nabuo habang ninanamnam nila ang pagkaing ito

Mahilig ka rin ba kumain noon ng Turkish Delight?

Image capture from Facebook

Kabilang ang Turkish Delight sa mga pagkaing nagustuhan talaga noon ng mga bata; maaaring gawang-bahay, puwedeng binili sa tindahan, at maaari ring isa sa mga itinitinda sa kantina. Kahit sa Middle East talaga ito nagmula at sa pangalan pa lamang ay tunog banyaga na, Pinoy na Pinoy pa rin ang tingin dito ng mga batang 90s dahil isa ito sa mga matatamis na pagkain na kinalakihan at kumumpleto sa kabataan nila.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga alaalang nabuo habang ninanamnam nila ang pagkaing ito.

“Kung hindi ako nagkakamali, may kendi na ganiyan na nabibili sa tindahan noong kabataan pa namin. Parang gelatin na may kulay at matamis na pinagulong sa harina. Tapos pa kinagat mo chewy at malagkit ang texture niya,” pagbabahagi ng Facebook user na si Louisiana Ignacio.

“Favorite ko ‘yan. May nabibili pa ‘yan. Last bili ko when we’re going to Isabela. Terminal ng Florida Bus. Dami pasalubong p’wede mabili. Sa kakapili nakita ko ‘yan. It reminds me of my younger days. Palagi ako nasa tindahan yan lagi ko binibili,” kuwento ni Sandra De Guzman Toledo.

Image capture from Facebook

Pagbabahagi naman ni Chel Bolotaolo Gamboa, “Favorite ko ‘yan dati pero ‘di ko alam ang pangalan, so itinuturo ko na lang sabay sabing, ‘Pabili po nng na may powder.'”

Ngayong hindi ka na bata, maaari mo nang aralin ang paggawa ng Turkish Delight! Alamin kung paano: