
- Isa ang trumpo sa mga laruan na talagang nagustuhan ng mga bata noon
- Hindi maitatanggi kung paano nito kinumpleto ang kabataan ng maraming paslit noon na mayroon pang iba’t ibang trick na ipinamamalas habang naglalaro
- Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, nagbalik-tanaw ang marami sa panahong pinasasaya sila ng simpleng trumpo
Naglalaro ka ba noon ng trumpo? Nagpapasikat gamit ang iba’t ibang tricks sa mga kalaro mo?

Isa ang trumpo sa mga laruan na talagang nagustuhan ng mga bata noon. Hindi maitatanggi kung paano nito kinumpleto ang kabataan ng maraming paslit noon na mayroon pang iba’t ibang tricks na inaaral at iniimbento para maipamalas sa mga ibang naglalaro. Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, nagbalik-tanaw ang marami sa panahong pinasasaya sila ng simpleng trumpo.
“‘Yan ang magandang laro sa mga batang lalaki noong araw. Kakaskasin ‘yong dulo ng trumpo para tumulis at tumalas nang todo. Maganda ang labanan diyan, patagalan ng ikot. Ang galing, ano? Gustong-gusto kong manood niyan kapag may labanan,” kumento ni Louisiana Ignacio.
“Oo naman, ako nga mismo gumagawa niyan. Gawa sa matibay na puno ng bayabas at patuyuin sa init ng araw at pakinisin ng basag na bote…tapos pinturahan ko pa ‘yan. Kaway-kaway sa mga batang 90s,” ani Rom Fortunato.
“Marunong ako niyan dahil sa mga kapatid ko, limang lalaki kami naglalaban,” pagbabahagi ni Rosario Bersamina.
“Iyan ang paborito kong laruan noong araw. Gumagawa lang ako niyan tapos ilalaban ko. Kapag minalas na matalo sibak ang trumpo, gawa ulit ng panibago para makabawi,” sabi ni Leonardo Ariñez, Jr.

Samantala, kahit animo’y laruan lamang ito ng mga lalaki ay may mga batang babae rin na nahilig dito noon.
Ikaw, naglalaro ka rin ba ng trumpo? Ano-anong exhibitions ang alam mo?