
- Nakapaglalaway ang amoy ng bunga ng langka kapag ito ay hinog na
- Binabalot ito ng sako upang maiwasang mabulok ito bago pa man mahinog
Ang langka ay isang puno na nagmula sa timog-silangang India. It ay kinukonsiderang may pinakamalaking prutas sa buong mundo na maaaring tumimbang ng 100 pounds at lumalaki hanggang sa tatlong talampakan ang haba.

Ang bunga nito ay kulay berde at hugis talohaba na may matinik at malaman na balat. Sa loob ay makikita ang medyo madilaw na mga malabombilyang laman na nakarugtong lahat sa gitna. Ang mga malalaking liso nito ay maaaring lutuin, kainin o gawing harina.
Kapag hinog na ang langka, mayroon itong tunog na parang humpak sa loob kapag tinatapik. Lumalabas na rin ang matamis at mabangong amoy nito. Ito ay may lasang matamis at ito ay karaniwang makatas.
Karaniwang binabalot ang bunga ng langka na nakakabit pa sa puno upang maiwasang masira ito dahil sa amag. Pinakamainam ang paggamit ng sako dahil matibay ito at kayang takpan ang buong langka. Subalit kakaiba ang naging istilo ng isang may-ari ng puno na siyang nagpatawa sa mga followers ng Magsasaka Mabuhay Ka Facebook page.
Paano ba naman, sa larawan ay makikita na salawal o underwear lang naman ang ginamit sa apat na bunga nito. Haha. Halata namang bagong bili ang mga panloob dahil may nakadikit pa itong pangalan ng brand.

Sobrang natawa ang mga netizens dahil napakakuwela talaga ng nakaisip nito. Ang iba nama’y sa mga kumento nagbabasa dahil doon sila mas natatawa.
“Jackfruit in knickers. It’s true kapag hinog na ang langka ito ay mabango. Bakit hindi sako ang ginamit pambalot?”
“Kung Triumph pinangbalot diyan, sigurado mas mahal kaysa sa karaniwang langka.”
“Matagal din ‘yan bago mahinog dahil kailangang balot na balot ‘yan”.
Malamang sinadyang ginawa lang ito para magbigay ng komedya. Mabuti na rin at nang sa gano’n makalimot tayo paminsan-minsan sa ating mga suliranin sa buhay.