Balikan: Misteryo ng nawawalang brief sa Camarines Norte

Imahe kuha mula sa video ng GMA Public Affairs | Facebook
  • Isang lalake sa Camarines Norte ang sunud-sunod na nawawalan ng salawal
  • Hindi tao kundi maligno ang duda ni Rico na may kagagawan nito
  • Nasaniban ng “nangunguha ng damit panloob”  ang babae na kasama ni Rico sa pag-aani ng talong

Isa sa mga pumatok na istorya ng Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong 2019 ang misteryo ng nawawalang salawal. Balikan natin, ano nga ba ang dahilan at ba’t bigla na lang sunud-sunod na nawawala ang salawal o “underwear” ng isang lalake.

Imahe via Pixabay

Isang mangingisda sa barangay Pinaglabanan sa bayan ng GOA, Camarines Sur ang sunud-sunod na nawalan ng 15 salawal sa loob lamang ng 2 linggo. Ayon kay Rico , kada matapos maligo, sinasampay niya ito sa labas. Ngunit pagdating ng alas-siyete hanggang alas-diyes ng gabi, bigla na lang itong nawawala. At kahit sa loob ng bahay na ito sinasampay ay nawawala pa rin ang mga ito. Mag-isa siyang nakatira sa kanyang bahay.

Napabili si Rico ng mga bagong salawal. Tinalian niya ng nylon ang mga bintana at pinto ng bahay. Subalit, pagkauwi niya, naputol ang mga tali at nawala na naman ang mga brip niya sa plastik na lalagyan. Duda ni Rico, isang maligno ang kumukuha nito.

Ayon sa kanyang mga magulang, may narinig daw silang umuungol nang minsang namalagi sila sa kanyang bahay. Subalit wala namang nakitang kakaiba si Rico nang gabing iyon. Sinamahan na siya ng kanyang kapatid mula Maynila dahil sa mga pangyayari. At dinadala na lang ni Rico kahit saan man siya magpunta ang mga natitira niyang brip.

Habang nakapanayam ng KMJS si Rico, may tumawag sa kanyang selpon pero nang tinawagan niya ito, hindi naman sumasagot. Na-wrong send lang daw ito. Nilagyan ng CCTV ng KMJS ang kanyang bahay, subalit wala namang kakaibang nakita maliban na lang sa isang pusa na maaaring nagdulot ng paggalaw ng camera.

Imahe via Pixabay

Isang babae na kasama ni Rico sa pag-aani ng talong ang sinapian raw at ayon sa sumanib sa kanya, ipinapatanggal nito ang CCTV. At noong panahong iyon, para bang pinagtagpo na naapektuhan ang kuha ng CCTV. Pahayag ng isang filmmaker, maaaring naka-loose connectin ang CCTV kaya nagka-glitch.

Ibinahagi ng isang psychologist na may mg taong nagkakaroon ng interest sa mga undergarments at ito ay tinatawag na fetishistic disorder.

Dumulog na sa mga pulis si Rico. Ayaw naman umanong maniwala ng punong barangay na maligno ang may kagagawan nito kundi tao.

Hanggang ngayon, walang balita kung nahuli na kung sino ang may kagagawan kaya nananatili pa rin umano itong isang misteryo.

Narito ang buong kuwento ni Rico sa video na ibinahagi ng KMJS sa YouTube: