Balik-tanaw: Snakes and Ladders, ang classic Indian board game na minahal ng mga batang Pinoy

Image via Batang Pinoy - Ngayon at Noon. | Facebook
  • Isa ang board game na Snakes and Ladders sa mga larong bumuo sa masayang kabataan ng mga batang Pinoy, lalo na sa mga paslit noong 1990s at early 2000s
  • Bagama’t isa itong classic Indian board game, hindi maikakaila na naging classic na laro na rin ito para sa mga batang Pilipino
  • Nagbalik-tanaw ang maraming netizens sa masasayang sandali ng paglalaro nila nito

Nahilig ka rin ba noon sa paglalaro ng Snakes and Ladders?

Image capture from Facebook

Isa ang board game na Snakes and Ladders sa mga larong bumuo sa masayang kabataan ng mga batang Pinoy, lalo na sa mga paslit noong 1990s at early 2000s. Bagama’t isang classic Indian board game, hindi maikakaila na naging classic na laro na rin ito para sa mga batang Pilipino.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon., nagbalik-tanaw ang marami sa mga masasayang sandali ng paglalaro nila ng board game na ito.

“Mga panahong kapag ikaw ang pinakahuli e pitik sa kamay ang parusa. Hahaha! Masayang laruin ang mga ganitong laro noon, nakakadagdag ng determinasyon na marating ang finish line at malampasan mo ang mga obstacle lalo na ang pinakamalaking ahas diyan,” wika ni Jaycee Ignacio Lim.

“Lagi ako kinakabahan tiwing napapalapit ako sa pinakamahabang ahas!” ani Aya Bagxi.

“Laruan ‘yan ng dalawa kong anak noong maliliit pa sila…. Naiinis ‘pag laging bumabalik sa ibaba na malapit na sanang maabot ang Finish Line,” wika ni Stella Betalac Carlos.

“Yes , saya maglaro niyan kasama ko mga kapatid ko pati nanay ko hehehe,” sabi ni Jharie Onalim.

Image capture from Facebook

Bukod sa bonding ng mga bata, laro rin ito ng buong pamilya lalo na kung maulan at walang magawa sa bahay. Ikaw, ano ang ibinabalik sa iyo ng board game na ito? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section!