
- Ibinahagi ng Batang Pinoy – Ngayon at Noon ang litrato ng isang maliit na kubo; isang larawan na nagbalik sa maraming alaala at nagdala ng pangungulila
- Saad ng mga social media users na naranasan nang tumira sa ganoon, bagama’t simple at maliit ay naging masaya sila sa bahay na ito
- Wika naman ng mga hindi pa nasusubukan, mukhang masarap daw tumira sa kubo
Wala iyan sa bahay, ayon sa isang kasabihan; nasa nakatira iyan.

Ibinahagi ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon ang litrato ng isang maliit na kubo; isang larawan na nagbalik sa maraming alaala at nagdala ng pangungulila sa panahong lumipas na at hindi na muling maibabalik pa.
Kuwento ng mga social media users na naranasan nang tumira sa ganoong klaseng bahay, bagama’t simple at maliit ay naging masaya silang nakatira rito.
“Iyan ang gusto kong bahay. Maliit pero tahimik at mapayapa,” saad ng user na si Nyleik F. Bagasbas
“Ganiyan lang buhay ko noon sa probinsiya,” pag-aalaala ni Leonardo Ariñez Jr. “Napakasimple, no stress, no worries. Magtanim sa bakuran at magparami ng manok na native.”
“Ang sarap lang tumira sa ganiyan. Paggising sa umaga, magpapakain sa mga alagang manok, baboy. Tapos, ‘yong kalabaw dadalhin sa sabsaban, pati iyong kambing,” kumento ni Roselyn Deinla Valencia.
“Kapresko riyan! Naranasan ko rin iyan. Sisilip sa silong, dami baryang nahulog at hindi makuha kasi may bakod din. Kaya sinusungkit na lang ng patpat iyong mga barya,” Zerep Assilem
Wika naman ng mga hindi pa nakasusubok, mukhang masarap daw tumira sa kubo; lalo na kung katulad ng nasa larawan na mayroong maraming puno ang lugar. May mga nagkumento rin sa pagiging presko ng bahay.
Ikaw, nais mo rin bang tumira o kahit huminga man lang saglit sa isang kubo? Ibahagi sa amin kung ano ang tingin mo rito!