Balik-tanaw: Noong panahong usong-uso pa ang paggagantsilyo

Image capture from Facebook
  • Hilig gawin noon ng mga kababaihan ay ang paglikha ng iba’t ibang kapaki-pakinabang na bagay sa pamamagitan ng paggagantsilyo: tapete, sapin sa kama, sapin sa upuan, at iba pa
  • Sa sobrang hilig ng mga tao noon sa paggagantsilyo ay mayroon pang mga libro ang iba na sinusundan para matiyak na maayos at pulido ang disenyo at pagkakayari
  • Sa Facebook group na Nostalgia Philippines, binalikan ng maraming miyembro ang mga sandali ng kanilang paggagantsilyo

Naggagantsilyo ka rin ba noong araw?

Image capture from Facebook

Hilig gawin noon ng mga kababaihan ay ang paglikha ng iba’t ibang kapaki-pakinabang na bagay sa pamamagitan ng paggagantsilyo: tapete, sapin sa kama, sapin sa upuan at mesa, at iba pa. Sa katunayan, sa sobrang hilig ng mga tao noon sa paggagantsilyo ay mayroon pa ngang mga libro ang iba na sinusundan para matiyak na maayos at pulido ang disenyo at pagkakayari ng mga ito.

Sa Facebook group na Nostalgia Philippines, binalikan ng maraming miyembro ang mga sandali ng kanilang pagkahilig sa paggagantsilyo, matapos mag-post ang member na si Randy Duldulao tungkol dito.

“Ang ganda ng doilies. Ako, noong medyo bata pa, I used to crochet doilies like that. May book pa ako ng mga pattern. I know if I try now I’ll be out of practice,” pagbabahagi ni Vivian Leano.

“Nakapaggantsilyo ako ng sapin sa lamesa, stereo, kama, at kurtina noong kabataan ko. Ngayon, bihira na akong gumawa, mahal na ang sinulid at medyo malabo na rin mata ko,” kuwento naman ni Lucia Ferrer.

Samantala, may ilan na hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pagagantsilyo — katulad na lamang ni Domet Cueto na ubod pa rin ng sipag sa paggagantsilyo at hanggang ngayon ay malalaking piraso pa rin ang binubuo.

Images via Domet Cueto | Facebook

Ikaw, bakit hindi mo subukan na muling maggantsilyo? Bakit hindi mo balikan ang dating hobby mo?