Balik-tanaw: Noong musmos ka’t baligtad pa kung magsuot ng tsinelas

Image capture from Facebook
  • Isa raw sa mga unang pagkakamaling nagagawa ng isang bata ay ang baligtad na pagsusuot ng kanyang tsinelas
  • Sa post ng page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang nakaraan, kung kailan simple lamang maging  ang mga nagagawa nilang kamalian
  • May mga natuwa sa pagbabalik-tanaw, mayroon din namang mga napahugot

Baligtad ka rin ba noon magsuot ng tsinelas?

Image capture from Facebook

Isa raw sa mga unang pagkakamaling nagagawa ng isang bata ay ang baligtad na pagsusuot ng kanyang tsinelas.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang nakaraan, kung kailan simple lamang maging  ang mga nagagawa nilang kamalian–kahit pa nagdudulot ito ng pagkadapa, literal.

May mga natuwa sa pagbabalik-tanaw, mayroon din mga napahugot na lamang.

“‘Yong isip kong bumabalik sa nakaraan! Sarap balik-balikan,” wika ni Certeza Halasan Michelle.

“Tamang-tama! Hahahaha nakakatuwa lang maging bata. At ang sarap lang balikan,” ani Lorna Dalit.

“Lahat nagkamali sa ganiyan hanggang natuto,” kumento ni Jovelyn Dominguez Mirambel. “We are not perfect, may time na nagkakamali tayong lahat, pero ang mahalaga ay natuto tayo.”

“True, iyan ang unang pagkakamali sa buhay noong bata pa. Ngayon, marami nang pagkakamali na hindi mo alam kung paano mo maitatama. Ang tsinelas, napakadaling itama pero ngayon, ang mga pagkakamali mo ay mahirap itama,” wika ni Gladys Sombrero.

Image capture from Facebook

Kay sarap nga namang balikan ang nakaraan; ang panahon na isang simpleng pagkakamali at pagkadapa ay asunod ang mga unang pagbangon at muling pagsiismula.

Baligtad ka rin ba magsuot ng tsinelas noong bata ka pa? Paulit-ulit ba itong itinuro sa iyo?  Saan, kailan, at paano mo ito naitama? Ibahagi ang iyong istorya sa comments section at sabay-sabay nating balikan ang mga alaala na dala ng ating nakaraan!