
- Naging uso noon ang mga gunting na naitutupi: mas magaan, mas madaling dalhin, mas ligtas
- Sa Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga panahong gamit pa nila ang gunting na ito at madalas pa silang nakakakita nito
- Maidadagdag pa raw sa nagagawa ng gunting na ito ay ang pagiging mainam na panggupit ng buhok at balbas kahit nasaan man sila
Nagkaroon ka rin ba ng gunting na naitutupi?

Naging uso noon ang mga gunting na naitutupi: mas magaan, mas madaling dalhin, mas ligtas kung babaunin sa pupuntahan.
Sa Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga panahong gamit pa nila ang gunting na ito at madalas pa silang nakakakita nito. Bukod sa mga magagandang katangian nito, maidadagdag pa raw ang pagiging mainam nito na panggupit ng buhok at balbas kahit nasaan man sila.
“Mine is exactly like that and has gone all over the world with me. Its utility cannot be underestimated,” pagbabahagi ng social media user na si Edwin G. Trompeta.
“Noon at hanggang ngayon, ganiyan pa rin ang laging dala sa bulsa para safe at hindi makatusok. Daming purpose at panggupit din sa mabilis humabang balbas,” sabi ni Jing Mendoza Nallares.
“Naalala ko tuloy ang mga tita ko, ganiyan lagi ang ibinibigay sa amin kapag malapit na pagsimula ang school year. Complete, tig-iisa kaming magpipinsan,” pagbabalik-tanaw ni April Gilda Balingao Bautista.
Kuwento naman ni Lhalie Magz, “Oo, iyan ang gamit noon ng ate ko. Safe gamitin, pagkatapos puwede mong tupiin. Naghahanap ako niyan now kaso wala na raw. Sayang, sana maibalik pa ulit iyan. Hehe.”

Ikaw, mayroon ka rin ba nito? Ano ang pinakamalaking kapakinabangan na ibinibigay sa iyo ng gunting na ito? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section!