
- Upang magbigay inspirasyon sa iba nitong darating na bagong taon, muling nagbalik-tanaw ang KMJS sa kanilang mga itinampok na kuwento
- Ang isang kuwento na pumukaw sa atensyon ng maraming tao ay ang ginang na may-ari na ngayon ng hotel, restaurant, commercial building at iba pang ari-arian
- Ngunit bago makamtan ang mga ito ay nagsimula ang ginang bilang isang taga-kolekta ng kaning baboy

Nakasanayan na ng maraming programa sa telebisyon ang magbalik tanaw sa mga itinampok nilang kuwento na pumukaw at nagbigay-inspirasyon sa ibang tao.
Isa ang programa ng GMA na Kapuso Mo, Jessica Soho – o KMJS – ang kabilang sa mga programang ito, lalo na at maraming Pinoy, dito man sa Pinas o sa ibang bansa, ang tagasubaybay ng programa.
Upang magbalik-tanaw sa mga kuwentong nagbigay inspirasyon na itinampok ng KJMS, muling lumabas online ang kuwento tungkol sa ginang na dating taga-kolekta lamang ng kaning baboy noon, ngunit ngayon ay marami nang ari-arian.
Sa kuwento na itinampok ng KMJS noong 2017 at ngayon ay naka-upload na sa YouTube channel at mayroon nang mahigit 2 milyon views, ay ang kuwento ng taga-kolekta ng kanin baboy noon, CEO na ngayon.

Ang nasabing ginang ay si Josephine Floresca. Sa programa ay ibinahagi niya ang sikreto ng kaniyang tagumpay. Ayon kay Josephine, bata pa lamang siya ay namulat na siya sa hirap ng estado ng kanilang pamumuhay.
Sa kanilang maliit na babuyan, walong taon gulang pa lamang umano si Josephine ay natuto na siyang mangolekta ng kaning baboy upang mapakain sa kanilang mga alaga. Naranasan na rin umano niyang magtinda ng mga gulay upang kumita ng kaunting pera.
Hindi naging madali ang kahirapan para kay Josephine kaya naman siya ay nagpursiging makapagtapos sa pag-asang edukasyon ang mag-aahon sa kaniyang pamilya sa kahirapan. Ngunit hindi nakapagtapos si Josephine sa kolehiyo at siya ay naging OFW sa Taiwan.

Sa Taiwan ay nag-aral siyang magsalita ng Mandarin. Kinuha siya ng isang Taiwanese bilang taga-linis sa mga paupahang bahay nito. Dahil marunong siyang magsalita ng Mandarin, naengganyo niya ang ibang turista na bilhin ang mga iyon.
Dahil na rin sa kaniyang sipag ay napansin siya ng isang Taiwanese investor, at siya ay ginawang real estate broker. Sa investment ay unti-unting nagtagumpay si Josephine.
Maraming ari-arian ang kaniyang nabili at nabenta, nakapagpatayo na rin siya ng sariling kompanya, building, restaurant, townhouse, at marami pa.

Ayon kay Josephine, siya ay naging ambisyosa kaya naman narating niya ang tagumpay sa buhay. Ayaw niya umanong maranasan ng kaniyang mga anak ang hirap na kaniyang naranasan, kaya naman nagpursigi siyang maging mayaman.
Panoorin ang buong kuwento ni Josephine sa kuwentong ibinahagi ng KMJS via YouTube: