Balik-tanaw: Isa ka ba sa mga gumamit noon ng popular na ‘Kung Fu Shoes’?

Image via Batang Pinoy - Ngayon at Noon. | Facebook
  • Isa sa mga naging popular na footwear noon sa mga bata man o sa matatanda ang “Kung Fu Shoes”; na gustong-gusto ng marami dahil sa pagiging magaan at komportable
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon., nagbalik-tanaw ang maraming social media users sa mga panahon na ito ang sapatos na kanilang isinusuot
  • Mayroon ding mga nagsabi na ipinamamasok nila ito sa paaralan noong elementarya 

Kabilang ka ba sa mga gumamit ng popular footwear noon na “Kung Fu Shoes”?

Image capture from Facebook

Kabilang sa mga klase ng footwear na gustong-gustong ginagamit noon–ng mga bata man o ng matatanda–ay ang “Kung Fu Shoes”, na tinatawag ding Chinese Shoes, dahil sa pagiging magaan at komportable nitong isuot.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, nagbalik-tanaw ang maraming social media users sa mga panahon na ito ang kanilang isinusuot.

Saad ng admin ng page, “Kung Fu Shoes. Kaway sa mga kadekadang gumamit nito!”

“Iyan ang Chinese Shoes ko noong first year high school ako. Very comfortable ako kapag iyan ang suot ko. Panlaban sa mahabang lakaran,” kuwento ng Facebook user na si SV Dom Marie.

“Yes, ‘yan po ang high school shoes namin, partner ng uniform na ang palda e halos makahiwa na sa sobrang plantsa, na ‘pag umupo ka e kailangan mo pa ayusin kase baka magusot! Ang ganda tingnan ‘pag suot,”wika ni Fina Mercado.

“Hahaha! ‘Yan ang shoes namin ng younger sister ko noong elementary kami. Ang sarap sa paa, malambot at magaan,” saad ni Lucilda Abregana.

Pagbabahagi naman ni Glenda Mojares Enero, “Love ko iyang shoes na ‘yan. Iyan ang sapatos naming mga student ng Bauan High School every Thursday and Friday.”

Image capture from Facebook

Ikaw, nakapagsuot ka rin ba nito? Ano ang hindi mo makalilimutan tungkol sa sapatos na ito?