Balik-tanaw: Camay? Lux? ‘Heno’? Saang klasik na sabon hiyang ang balat mo?

Images via Batang Pinoy - Ngayon at Noon. and Pixabay
  • Iba’t ibang sabon ang nagiging popular sa iba’t ibang panahon — ngunit may ilan na maituturing nang klasik, narito man o wala na ngayon
  • Sa mga klasik na sabong ito, may kanya-kanyang paborito ang mga tao; maaaring dahil hiyang sila, dahil mura, o dahil sa mga nakakabit ditong alaala
  • Binalikan ng netizens ang mga gunita mula sa mga klasik at old school na sabon

Ano-anong classic at old school na sabon ang nagamit at naging paborito mo?

Images via Batang Pinoy – Ngayon at Noon. | Facebook

Iba’t ibang sabon ang nagiging popular sa iba’t ibang panahon — ngunit may ilan na maituturing nang klasik, narito man o wala na ngayon. Sa mga klasik na sabong ito, may kanya-kanyang paborito ang mga tao; maaaring dahil hiyang sila, dahil mura, o dahil sa mga nakakabit ditong alaala.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng netizens ang mga istorya at gunita mula sa mga klasik at old school na sabon.

“Lahat po ‘yan ay mga sabong nasubukan na po namin noon,” ani Josefina Ferrer.

“Lux, Camay, Irish Spring,” sabi ni Elvie Valeriano. “Pasalubong ng tito ko ang mga ito kapag galing siya ng abroad. Kaya ‘yan ginagamit ko every day.”

“Wow, nagamit namin lahat ng Yan. My Dad always bought our bath soap. And what ever the latest brand na lagi sa commercial”ani Andi. “Ang bibilhin nyia. I am grateful to have a father like him who really understand what ever we are needed especially on personal hygiene.”

Image capture from Facebook

While every Jerry Tiglao wrote, “Heno de Pravia. Mabango maghapon kahit sa pawis. It blend sa amoy ng katawan ko at never ako nag deodorant.”

Ikaw, alin sa mga classic soap ang paborito mo na? Mabibili pa ba ito ngayon o hanggang sa mga gunita na lamang nito?